Tameme sa hiwalayan nila ni Chuck Mathay… SUNSHINE, 35 ARAW NAGKULONG SA KUWARTO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 27, 2022

After ng 18th birthday ni Samantha Cruz, anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano, muling nagkita ang ex-couple sa 21st birthday naman ng eldest nilang si Angelina.
Kasama ni Cesar ang partner na si Kath Angeles.
Walang Chuck Mathay (boyfriend ni Sunshine) sa frame unlike nu'ng nag-debut si Sam. Balita kasing hiwalay na ang dalawa.
Ultimong sa social media ni Sunshine nanggaling na nagkulong siya ng 35 araw sa kuwarto para makapag-isip, kaya though walang binanggit na hiwalay na sila ni Chuck, understandable na 'yun sa mga netizens.
Isa ang kaibigan ni Sunshine na si Ruffa Gutierrez sa mga nag-comfort sa kanya.
Maraming netizens naman ang nanghinayang dahil akala nila ay may forever nang matatagpuan si Sunshine. Mahigit limang taon din kasi ang naging relasyon nila ni Chuck Mathay.





Comments