Tameme sa hiwalayan… DIEGO, IBA ANG KASAMA SA TATE, BARBIE, SI TONY ANG KA-BONDING
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 09, 2022

Nasa New York City, USA hanggang ngayon ang aktor na si Diego Loyzaga at base sa post niya sa kanyang Instagram ay nasa Barclays Center, Brooklyn, NY siya dahil nanood sila ng pinsan niyang si Sean Christopher Almazan ng laban ng Brooklyn Nets vs. Milwaukee Bucks at nanalo ang huli.
Nag-post si Diego ng mga larawan niya, “So happy, you can't see my eyes anymore. Bucks won but still… daaamn.”
Nagkomento naman ang Mommy Teresa Loyzaga ng aktor, “So happy for you anak!
Thanks @seantheshite. Enjoy! Ingat always! See u soonest! Love you (heart emoji) mum.”
Sabi ng mga supporters na @teamdiegsbieofficial, “Solid! Glad you're having fun, Diegs! (heart emoji)."
Nami-miss naman ni @rheaestilloso23 na magkasama sina Diego at Barbie Imperial, “We miss you na.. and barbie (5 hearts emoji)."
Say naman ni @momtreprenuer_cathy, “That's so exciting!!! How long are you in the States?”
Ayon kay @japanesewidow, “Ba’t ganu'n, parang walang COVID, dito malala, huhu.”
Oo nga naman, parang hindi uso ang COVID sa New York, eh, halos araw-araw naming ka-chat ang tita namin na punumpuno na raw ang mga hospitals doon ng pasyente.
Ang maganda lang ay hindi katulad noong isang taon na puro severe at marami pang namatay.
At heto, muling natanong si Diego ni @jilliancuttie, “Break na po ba kayo ni Barbie?”
Hanggang sa kasalukuyan kasi ay nananatiling tikom ang bibig nina Diego at Barbie kung ano na ang estado ng kanilang relasyon dahil nagselebra pa sila ng kanilang unang anibersaryo noong Disyembre 11 at huling post nilang pareho sa kani-kanilang IG account ay December 12 at hindi na nasundan pa.
Samantala, tsinek namin ang IG account ni Barbie at nasa Angeles City siya nitong Biyernes base sa kanyang latest post na nasa tennis court.
Ang caption niya ay, “North gaming (emoji ball).”
Ang kilala naming kasama ni Barbie na naglaro ng tennis ay ang aktor na si Tony Labrusca na nakatrabaho niya sa TV series na Bagong Umaga na umere noong nakaraang taon.
Isa si Dra. Minguita Padilla, ang presidente ng Eye Bank Foundation of the Philippines at health advocate, sa matagal nang isinusulong na pasukin ang pulitika para makatulong sa mga nangangailangan.
Pero tumatanggi siya dahil puwede naman daw siyang tumulong nang wala sa posisyon.
Pero dahil sa mga nangyayaring hindi maganda ngayon ay napaisip siya sa alok ni Senador Panfilo Lacson na matagal na niyang kaibigan.
At bilang doctor of medicine ay siguro nga, kailangan ng doktor sa Senado kaya tinanggap niya ang hamon sa ilalim ng Partido Reporma.
Bagama’t matunog na ang pangalan niya noon pa dahil siya ang tumingin sa mga mata ng Daddy Angel Colmenares ni Angel Locsin, para maibalik sanang muli ang paningin nito, pero 'di na pumuwede dahil matagal na palang hindi nakakakita bago ito nagpasuri sa doktor.
Nang mamatay si Mico Sotto ay ang mismong ina nitong si Ali Sotto na ang nag-offer kay Dra. Minguita na baka puwedeng mapakinabangan ang cornea ng nasirang aktor para maibigay sa iba, gayundin sina AJ Perez at Jay Ilagan.
At bilang pagpapakilala ay ibinahagi ni Dr. Minguita sa pamamagitan ng filmbio niya na estudyante pa lang siya ay may malasakit na sa lahat at ang aktres na si Valeen Montenegro ang gumanap na hawig din pala niya.
Ang titulo ng biopic ay Liwanag na umabot sa 45 minutes at streaming na ngayon sa KTX at Upstream PH na produced at isinulat ni Rosanna Hwang ng Kapitana Media Entertainment. Sila ang nasa likod ng The Women of TONTA Club.
Bakit nga ba si Valeen ang napiling gumanap?
“Actually, tatlo silang pinagpilian namin to play me. But when I asked our helpers and drivers, they all chose Valeen. This is the first time I saw the film myself and I’m pleased with Valeen’s performance. She memorized all her lines well, specially sa death scene ng father ko na talagang very touching, nakakaiyak.
“So I am really very grateful to those who put this project together. I know it’s because they truly know my heart and my reasons for taking a very big risk, leaving my comfort zone and running for public office. I only did so after much soul-searching.
“Sa nangyayari sa atin ngayon, parang lalo tayong nababaon sa dilim because of the government’s poor response to the pandemic at ‘yung garapalang pagpapayaman ng iilan. Ang corruption ngayon is the worst of its kind, it’s heinous, taking advantage of the suffering of millions of people just to make quick money, depriving our people with timely response, supplies and even infrastructure that could have given us all a better chance of emerging faster from this pandemic.”
At 'pag nanalo raw si Dr. Minguita ay ang Philhealth ang una niyang aasikasuhin.





Comments