top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine, mas kailangan ng taumbayan

BULGAR
Nov 29, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 29, 2021


Ilang buwan mula nang isagawa ang national vaccination program kontra COVID-19, nananatiling hamon ang pagkakaroon ng vaccine hesitancy at brand preference sa mga publiko.


At ito ang dahilan kaya malaking porsiyento ang nananatiling hindi bakunado sa bansa.


Kaya upang labanan ito, kani-kanyang diskarte ang mga lokal at nasyonal na pamahalaan upang mas maipaunawa sa publiko na ang lahat ng brand ng bakuna ay may parehong epekto lamang laban sa COVID-19.


Kaugnay nito, maglalabas na ng bagong direktiba ang probinsiya ng Quezon para magamit agad ang mga nakatenggang Sinovac vaccine sa kanilang lalawigan.


Paliwanag ni Gov. Danilo Suarez, mas pinipili ng mga residente ang mga bakunang mula sa Western countries tulad ng Pfizer, Moderna, AstraZeneca at Janssen kaysa sa Sinovac na gawa ng China.


Dagdag pa ng opisyal, ang pagtanggap ng kung ano’ng meron at batay na rin sa guidelines ng Department of Health (DOH).


Matatandaang naiulat na nasa 37,000 Sinovac vaccines ang hindi pa nagagamit at nakaimbak lang sa provincial health office dahil may vaccine preference ang mga residente.


Gayunman, patuloy din aniya ang probinsiya sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng impormasyon sa posibleng side effects ng bakuna na ikinatatakot ng marami pang residente.


Dagdag pa ni Dr. Tiong Eng Roland Tan, assistant department head ng integrated provincial health office ng Quezon, naiisantabi ang Sinovac vaccines dahil mas inuunang iturok ang mga bakunang malapit nang ma-expire.


Hindi natin masisisi ang publiko kung nagkaroon ng vaccine preference dahil na rin sa maling paniniwala sa bakuna.


Kaya naman panawagan sa mga kinauukulan, paigtingin pa ang pagbibigay ng tamang edukasyon tungkol sa bakuna, gayundin ang paglaban sa pagkalat ng maling impormasyon tungkol dito.


Sa panahon ngayon, ito ang higit na kailangan natin dahil walang bakuna na dapat masayang, lalo pa’t binibili ito ng pamahalaan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page