Search
  • BULGAR

Tamang impormasyon sa bakuna, dapat iparating sa mamamayan

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | January 17, 2021



Maraming tanong ang ibinato at sinagot sa Senate committee of the whole hearing pagdating sa vaccination plan ng pamahalaan nitong nakaraang linggo.


Sana ay nakatulong sa ating mga kababayan ang impormasyong na inilahad sa hearing, lalo na pagdating sa desisyon kung magpapabakuna o hindi laban sa COVID-19.


☻☻☻


Ngunit, marami pa ring katanungan ang dapat sagutin ng mga awtoridad, lalo na pagdating sa mga detalye ng mga planong ito.


Paano makararating ang tamang impormasyon sa ating mga kababayan? Paano maibabalik ang tiwala sa pagbabakuna?


Paano makararating ang mga bakunang ito, lalo na sa mga kababayan nating nasa isolated na mga lugar? Ano ang kasiguruhan na epektibo at ligtas ang mga bakuna pagdating sa end target recipients nito?


Ano ang proseso upang makakuha ng bakuna ang mga 4th hanggang 6th class local government units (LGUs)?


Ilan lamang ito sa mga tanong na inaasahan nating mas sasagutin ng mga kinauukulan sa mga darating pang araw, gamit ang iba’t ibang plataporma at sa mga susunod pang pagdinig ng Kongreso.


☻☻☻


Ang apela lang natin kina Sec. Galvez at sa decision-makers natin that when it comes to the use, kung ano’ng bakuna ang gagamitin, sana ay isipin ninyo na magulang kayo ng bayan.


Kapag isang magulang, you would always pick what’s best for your children, lalung-lalo na pagdating sa kalusugan nila.


Sana ganu’n ang mindset natin sa pipiliin nating bakuna, sa kung ano ang ituturok natin sa ating mga kababayan.


☻☻☻


Samantala, bilang chairman ng Senate committee on Science and Technology, nais nating batiin sina McSteven Melicor, Christian James Fantonial, Elram Espra, at Benito Baje mula sa Philippine Science High School - Central Visayas Campus na ginawaran ng patent para sa kanilang Multi-Purpose Interconnected Transceiver Apparatus (MITs).


The MITs help users assess real-time weather and atmospheric conditions such as temperature, humidity, heat index, altitude and air. It is also equipped with a global positioning system (GPS) which could track the location of a person or object within its monitoring perimeter.


Sana’y dumami pa ang mga kabataang nagpupursige at nagpupunyagi upang isulong ang siyensiya at teknolohiya sa ating bansa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.