Tama na raw… KAREN: SA IBANG BANSA, NAKUKULONG ANG MAGNANAKAW SA GOBYERNO, SA ‘PINAS, KINAIINGGITAN
- BULGAR
- 2 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 31, 2025

Photo: Karen Davila - IG
May comment si Karen Davila sa caption ng post ni Gabbi Garcia na: “Rich in life ‘cause I can travel the world & live my best days with my own hard-earned money.” Sinundan pa ng “Yes to hard-earned money and self-made queens.”
Comment ni Karen, “Exactly. Hard-earned money.”
Napa-comment din si Max Collins ng “Amen.”
May mga comments din ang mga netizens na, “The shade that I love,” “Nepo babies left the universe,” “As you should girl! Hindi galing sa kaban ng bayan!” “Low key patama,” at “Corrupt nepo babies can’t relate.”
May nanawagan kay Gabbi na maganda sana kung ang isasagot ng Kapuso actress, “Please, sa lahat ng celebrities, mag-speak out kayo. Nagtatrabaho tayo para magbayad ng tax, tapos nanakawin lang nila? Gamitin n’yo sana ang issue na ito para makapag-influence.”
Anyway, dahil sa comment na ‘yun ni Karen, may mga comments para sa kanya.
Sabi ng isang netizen, “@iamkarendavila Super saludo na ako sa ‘yo, Ma’am Karen. You have my biggest respect! You’re now my fave journalist, vlogger, reporter, influencer whatever you call it.”
May nag-comment na, “Protect Ms. Karen at all cost,” at sana raw, hindi siya magbago.
Sa X (dating Twitter), may sey si Karen na, “KURAKOT SHAMING. It’s high time. Sa ibang bansa, ang nagnanakaw sa gobyerno, nakukulong o naghaharakiri. Sa Pilipinas, kinaiinggitan. Tama na.”
Very true…
NASA Sydney sina Rhian Ramos at Sam Verzosa para sa Sydney Marathon 2025 na naka-schedule this Sunday at kung saan kasali ang magdyowa.
Nag-a-update ang dalawa, kaya mababalitaan din natin ang mga kaganapan.
Aniya, “Made it here for our Yearly Charity Marathon, this year is the TCD Sydney Marathon 2025. Once again, me and @whianramos are running for Charity and the Operation of children with cleft lip/palate. Our goal is to help more than 100 kids undergo the operation and help give them back their confidence & smiles. Thank you to everyone who supported this cause.”
Sa isa namang reels post ni Sam, makikita silang tumatakbo ni Rhian, last training nila ‘yun bago ang marathon this Sunday. Makikitang nasa kondisyon ang dalawa at handang-handa nang tumakbo.
And speaking of Rhian, kapapanalo lang nito ng Best Drama Actress sa 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television para sa Royal Blood (RB). Napapanood ngayon ang aktres sa Sang’gre bilang si Mitena at nagpakita pa rin ito ng husay sa acting.
SABI nga ng isang netizen, “In his own unique way,” ang ginagawa ni Edu Manzano na reaksiyon sa corruption sa bansa sa nabuko na mga palpak na flood control projects. Nag-post sa kanyang Instagram (IG) si Edu ng photos niya na ang caption ay patama sa corruption, corrupt officials, at iba pang uri ng mga corrupt na nilalang.
Sa isang post ni Edu na nakasuot ng uniform gaya sa mga taga-DPWH, makikita ang signage sa likod niya na nakasulat ang “Funds at Work”. Sa isa pang photo, makikita si Edu na nakasakay sa isang luxury car at sa tabi niya, may Hermes throw pillow. May caption ito na: “HERMES MUNA BAGO SEMENTO.”
Napa-comment tuloy si Carla Abellana ng “Tacky Hermes everything.”
Sa latest post ni Edu, makikita siyang nakaupo, chill lang, may suot na bathrobe, at nasa tabi niya ang isang payong. Nasa harap nito ang coffee at croissant.
Nakakaloka ang caption nito na: “Saturday morning. Walang site visit, walang stress. Just Laduree, Rolls-Royce, payong, at taxpayer money brewed to perfection.”
Natatawa and at the same time, nai-inform ang mga netizens sa ginagawa ni Edu, kaya ang payo sa kanya, “Keep it coming.”
Napa-react din si Karen Davila ng “Hahaha! This series is good.”
So far, natutuwa ang mga netizens sa ginagawa ni Edu at inaabangan ang mga susunod niyang posts. Ramdam ang galit ng madlang people at umaasa ang lahat na marami pa sa showbiz ang gumaya kina Edu Manzano, Nadine Lustre, Anne Curtis, Vice Ganda, Bianca Gonzalez at Pokwang na nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya.
Comments