Tama na raw ang pa-cute para balikan ng aktres… HIRIT NG FANS NI KATHRYN: DANIEL, MOVE ON NA!
- BULGAR
- Dec 21, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 21, 2023

Marami ang nagpapayo ngayon kay Daniel Padilla na mag-move on na rin sa paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.
Sa huling pagsasama kasi nina Kathryn at Daniel sa Christmas Special ng ABS-CBN, halatang may pagsisisi raw ang aktor sa mga nagawa niya kung bakit napuno na si Kathryn at tinapos ang 11 yrs. nilang relasyon.
Makikita kasi sa mga kilos ni Daniel na gusto pa nitong suyuin ang dating nobya para bumalik sa kanya.
Kaya lang, mukhang natauhan na talaga si Kathryn at kahit todo-pa-cute pa si Deej, hindi na mabola ang aktres at nanindigan nang huwag nang balikan ang ex-BF na nanakit sa kanyang damdamin.
Sa huling panayam naman kay Andrea Brillantes, mukhang binusalan ito at hindi na pinagsalita pa sa pagkakadawit niya sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel.
Katwiran siguro ng mga humahawak sa career ni Andrea, "Less talk, less mistake."
Baka nga naman lalo pang lumaki ang gulo kapag nagsalita na naman si Andrea na itinuturong third party sa relasyon ng KathNiel.





Comments