Tama na raw ang 4 nilang anak… IYA, PINAGBA-VASECTOMY NA SI DREW
- BULGAR
- Sep 28, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 28, 2023

"Hindi ako buntis!" ito ang nilinaw ni Iya Villania dahil last week ay may mga naglabasang comments sa social media na preggy na naman siya.
Dahil sa kanyang suot sa segment niya na Chika Minute sa 24 Oras, inakala ng ilang nakapanood na buntis na naman siya at may Baby No. 5 nang paparating.
Medyo maluwang kasi ang kanyang blouse kaya nagkaroon ng espekulasyon na buntis na naman si Iya.
Pero, kung si Iya raw ang masusunod, tama na sa kanila ni Drew Arellano ang apat na anak — three boys and one girl. Medyo nahirapan daw kasi si Iya sa huli niyang panganganak.
Nangako naman ang kanyang mister na si Drew na mag-a-undergo na ng vasectomy upang hindi na madagdagan ang kanilang pamilya.
Nakikita niyang nahihirapan na ring mag-alaga si Iya sa mga lumalaki na nilang apat na anak.





Comments