Talupan ang kaugnayan ng ilegal na droga sa pagkamatay ng ‘acclaimed artist’ na si Bree Jonson
- BULGAR
- Sep 23, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | September 23, 2021
Iniutos na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang imbestigasyon sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson sa isang resort sa San Juan, La Union.
Natagpuan ang labi ni Jonson sa Floatsam Jetsom Resort noong September 18!
◘◘◘
NABATID na kasama ng biktima ang boyfriend, na si Julian Ongpin.
Sinabi ni Ongpin sa mga pulis na isang kaso ng suicide ang insidente!
◘◘◘
MARAMI ang nagdududa kaya’t iniutos ni Eleazar ang masusing pagsisiyasat kahit sinasabing anak ng investor na si Roberto Ongpin ang boyfriend ng biktima.
May nakumpiskang illegal drugs sa silid ng magkasintahan kayat kinasuhan agad si Ongpin!
◘◘◘
AYON kay Eleazar ay positibo sa drug test si Ongpin.
“Nasampahan na ng kaukulang kasong may kinalaman sa iligal na droga ang kasintahan ni Bree Jonson. Sa aking huling pakikipag-usap sa PRO1 director Emmanuel Peralta, nagdesisyon ang Provincial Prosecutor’s Office na palayain si Ginoong Ongpin habang ini-imbestigahan ang kaso.”
◘◘◘
NAREKOBER ng pulisya ang 12.6 grams of illegal drugs.
Sinabi ni Eleazar, “Hinihintay lamang ng PNP ang resulta ng autopsy upang malaman kung may karagdagang kaso na isasampa laban sa kanyang kasintahan.”
◘◘◘
MALINAW na walang sinasanto si Eleazar, mayaman o mahirap ay pinanagot sa krimen.
Kahit ang mga iskalawag na pulis ay kinakastigo ni Eleazar!
◘◘◘
SA totoo lang, sa lahat ng naitalagang PNP chief ni Pangulong Duterte ay nakalutang ang husay at integridad ni Eleazar.
Higit siyang nakaaangat kaysa kay Sen. Bato dela Rosa!
◘◘◘
KUNG tutuusin, nasapawan din niya ang performance mismo ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson.
Tama lang na kumandidato bilang senador si Eleazar!
◘◘◘
KAILANGAN ng Senado at ng ating bansa ang tulad ni Eleazar.
Malaking tulong siya sa pagbabalik normal sa mga susunod na dekada!
◘◘◘
WIKA ni Eleazar, “This is but another proof that your PNP applies the law without fear or favor. Mayaman man o mahirap, patas ang pagpapatupad natin ng batas”.
Pinasalamatan din ni Eleazar ang bilis ng aksiyon ng kanyang mga tauhan para sa ikalulutas ng kaso!





Comments