Talunan sa Miss U, nilait… RABIYA SA BASHER: PANALO PA RIN AKO DAHIL SA GANDA KO, 'DI TULAD N'YO

ni Nitz Miralles - @Bida | March 25, 2022

Nagpakilig ang magdyowang sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales sa Instagram ng beauty queen nang mag-post ng “If it’s still in your mind, then it’s worth taking the risk.”
Nag-comment si Jeric ng “Hi” na sinagot ni Rabiya ng “@jericgonzales Kuya, sorry po may boyfriend na ako. Hahaha!” na sinagot ni Jeric ng “Parang kilala ko po ‘yun.”
Ang pagpapakilig nina Rabiya at Jeric ang kapalit ng pakikipagbardagulan ni Rabiya sa kanyang mga bashers sa Tiktok account niya.
Nag-post lang si Rabiya ng throwback photo niya noong training niya for Miss Universe, sunud-sunod na ang pamba-bash sa kanya. Ang maganda, sinagot ni Rabiya ang mga bashers.
Sa kantiyaw na talunan siya, sinagot niya itong bayaran ang nag-comment.
Sa nagpayo sa kanyang tumigil na sa pagrampa at um-acting na lang, pinuntirya ni Rabiya ang kilay ng basher, 'wag daw pentel pen ang gamitin sa kilay at willing siyang turuang magkilay ang basher.
Sa nag-insist na talo siya, sagot ni Rabiya, kahit talo siya, “Pero ganito naman po ‘yung face ko, panalo pa rin. Kesa naman po ganyan mukha ko kagaya n'yo, naku, forever talo talaga ako n'yan, hahaha.”
Sa supporter ni Rabiya na nagsabing basher siya ng basher nito, sagot ng GF ni Jeric, “Yaan mo na mga bashers. Habang puro sama ng ugali ipinapakita nila, tayo, umaabante lang sa buhay. Kung sa teleserye, tayo 'yung bida, sila, kontrabida.”
Kaya lang, bakit dinelete ni Rabiya ang kanyang mga comments? Pinayuhan ba siya ni Jeric o pinagsabihan ng Sparkle?
Si Rabiya ay patuloy na napapanood sa Agimat ng Agila every Saturday, bida si Sen. Bong Revilla.
Samantala, kabilang si Rabiya sa mga hosts sa Opening Ceremony ng NCAA Season 97 at makakasama niya sina Manolo Pedrosa, Martin Javier, at Sophia Senoron.





Comments