Talo man sa PBB Big Night… BIANCA, NIREGALUHAN NG PARENTS NG P5.9 M CAR
- BULGAR

- Jul 8, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 8, 2025
Photo: Bianca de Vera - IG
Bago ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition Big Night ay niregaluhan si Bianca de Vera ng multi-million luxury car ng mga magulang.
Nakatanggap siya ng isang mamahaling Mercedes Benz mula sa mga ito na lubos na ikinasaya ng aktres.
Sa Instagram (IG) Story ng kanyang ina na si Aileen, emosyonal ang naging reaksiyon ni Bianca habang iniaabot sa kanya ang susi ng sasakyan.
Pinuno naman ng mga fans ng mga bulaklak at regalo ang bagong car.
Ayon sa mga tagahanga, ang natanggap niyang sasakyan ay isang Mercedes-Benz V-Class V220 Avantgarde Extra Long na tinatayang worth P5.9 milyon, na kilala bilang isa sa mga pinakasosyal at komportableng modelo ng luxury van.
Masayang nagpasalamat si Bianca sa kanyang pamilya at mga tagasuporta, at sinabing isang malaking biyaya ang pagmamahal na kanyang natanggap mula sa kanila, kasabay ng pagbabahagi ng inspirasyon na natamo niya mula sa PBB journey niya.
Tila naging Big Winner na agad si Bianca kahit bago pa man umabot sa Big Night.
Agad na niyakap ni Bianca ang ina at nagpasalamat sa sorpresa.
“Blessings talaga, Mommy,” ang tanging nasabi ni Bianca.
Naging usap-usapan din sa social media ang pagiging supportive ng mga magulang ni Bianca, na parehong matagumpay sa kani-kanilang larangan.
Si Mommy Aileen ay isang importer na konektado rin sa fashion industry, habang ang ama niyang si Mon ay nasa industriya ng life safety systems at isang kilalang racecar driver.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naging highlight ang sasakyan sa buhay ni Bianca. Matatandaang nag-viral ang isang insidente kung saan hindi niya napigilang maiyak habang nasa loob ng na-tow na sasakyan.
‘Di nagpaplastikan…
MAINE AT MILES, NAPIPILITAN NA LANG DAW MAGSAMA SA EB! KAHIT WAR
PINABULAANAN nina Maine Mendoza at Miles Ocampo na may namumuong sigalot sa kanilang dalawa.
Nagsama ang dalawang female hosts ng Eat… Bulaga! (EB!) kamakailan sa isang segment ng noontime show.
Komento ng mga netizens:
“M needs to play nice. She knows who is the favorite.”
“Sus. May proof ka ba na may rift sila? Eme ka.”
“Ang hirap kay Miles, porke ka-close n’ya, feeling n’ya ka-level na n’ya. Maine just put her in her place.”
“That’s what being professional is. Kahit naman sa office, minsan isinusuka mo na ‘yung kasama mo pero you need to work together pa rin.”
“Sus, gimmick lang ‘yan para umingay ‘yung show. Hindi na ba kayo nasanay sa Pinoy showbiz?”
“Bakit, ano na ba napatunayan ni Maine sa showbiz maliban sa i-distort ang fez n’ya at mag-feeling maganda? Feeling lang, ha?”
“Anyway, kung may rift man sila, I guess normal lang naman na magpaka-professional sila dahil trabaho ‘yan. Same sa regular na workplace, kahit suklam na suklam na tayo sa katrabaho natin, ‘di naman natin puwede bardahin, ‘di ba? Civil lang, work lang. So hindi kaplastikan ‘yan, pagiging professional ‘yan.”
“Baka wala naman kasi talaga. Pampaingay lang.”
“Good naman na nag-effort si Miles to greet Maine. Magbabati rin ‘yan kung ano man ang problema. The people around them will encourage them to patch things up.”
“Ewan, ha! Bakit feeling ko may kinalaman ‘yung isang M?”
“Yes, reconciliation but will never regain that closeness they once shared.”
“Knowing that BFF got her back, ‘di ba? Ano kaya nangyari? Hahaha! Kaso mabait at totoong tao raw si Maine, eh.”
“Class act talaga si Miles. Since she was a kid, artista na ‘yan so talagang professional na s’ya sa kanyang field.”
“No choice silang 2 but to be civil with each other. Pero sa tagal na ni Maine sa EB!, wala pang nakaalitan ‘yan na Dabarkads.”






Comments