top of page

Talk show, ipinasasara dahil bading daw ang TV host… ALVIN, IPINADEDEMANDA KAY BOY ABUNDA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 26, 2026



Boy Abunda at Alvin Aragon - FTWBA

Photo:Boy Abunda at Alvin Aragon - FTWBA



Idedemanda nga ba ni King of Talk Boy Abunda si Alvin Aragon dahil sa mga pahayag nito laban sa kanya?


Matatandaang naglabas ng open letter ang aktor kamakailan sa kanyang Facebook (FB) post na naka-address sa isang “Ma’am Annette” na pinaniniwalaang para kay GMA executive Annette Gozon-Valdes.


Sa kanyang liham ay ipinatatanggal niya ang King of Talk sa show nito, gayundin ang writer.


Bagama’t hindi direktang nakalagay ang pangalan ni Kuya Boy, of course, wala namang ibang King of Talk kundi siya lang.


“Gusto nila palabasin na okay lang, na walang masama ang maging bakla, maging tomboy, maging trans at maging queer,” pahayag ni Alvin.


“Ma’am Annette, alam natin na kasalanan ‘yan sa mata ng King of Kings natin. Stop propagating sin of homosexuality because it is against the Lord Jesus,” pahayag pa ng asawa ni Izzy Trazona na ex-member ng Sexbomb Girls.


Isang malaking panghuhusga sa kapwa ang mga sinabing ito ni Alvin kaya napakarami ring nagpayo na dapat idemanda ni Kuya Boy ang aktor.


“Sana, manahimik ka na lang, Alvin. May sariling isip ang mga nilelektyuran mo. Matanda na sila. Bahala na sila sa kaluluwa nila,” sey ng isang netizen.


“Boy Abunda should sue. Grabe ‘yan, gusto mo mawalan ng trabaho ‘yung tao dahil sa sexuality n’ya? Hindi ba that’s blatant discrimination? And mind you, isa na s’ya sa mga icons ng PH entertainment industry at matagal na siyang out, so bakit ngayon pa s’ya tatanggalin?” saad naman ng isa pa.


“Laos na kasi. May tama ka. Malala, kinulang sa turok. Hehehe!” sey naman ng isa pa.

Sa ngayon ay wala pang reaksiyon ang award-winning TV host, pero knowing Kuya Boy na ayaw ng gulo ay hindi na niya ito pahahantungin sa korte. Baka nga hindi pa niya patulan at all si Alvin.


Pero nakakaloka rin ang dating aktor dahil ang cover photo niya sa FB ay kuha mula sa panayam nila ni Izzy sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan at nasa picture pa nga mismo si Kuya Boy.


For one, kung hindi maganda ang pagtingin niya sa TV host, dapat ay hindi na siya nag-guest sa programa nito at lalong hindi niya gagamiting cover photo. Nahahalata tuloy na user siya at nagpapapansin lang kaya kung anu-ano ang mga kuda.


Ang mga tulad ni Alvin Aragon ang hindi dapat binibigyan ng karapatan na gamitin ang kanilang impluwensiya bilang celebrity dahil nagbibigay siya ng maling ideya sa mga tao, to the point na nakakatapak na siya ng kanyang kapwa.





MATAPOS maging Pinoy Big Brother (PBB) housemate ay bibida naman soon sa GMA Afternoon Prime si Sparkle star Anton Vinzon. Tuluy-tuloy ang pagiging action star ni Anton mula sa Mga Batang Riles (MBR) hanggang sa kanyang first lead role sa upcoming series na Kamao.


Makakasama niya rito ang powerhouse cast na sina Amy Austria, Neil Ryan Sese, Wendell Ramos, Bruce Roeland, content creators Abdul at Marsy, Katrina Halili, at ang real-life dad ni Anton na si Roi Vinzon.


Gaganap si Anton bilang Makmak, isang binatang nangangarap na maging champion sa boxing. Pero hindi lang laban sa ring ang haharapin niya kundi pati na rin ang hamon sa buhay, pamilya, at pag-ibig. 


Tanong tuloy ng proud at excited fans ni Anton, sino kaya ang magiging love interest niya sa kuwento?


Abangan ang lahat ng ‘yan sa Kamao, soon on GMA Afternoon Prime.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page