Tali, ate na raw… PAULEEN, UMAMIN NANG BUNTIS ULI KAY BOSSING VIC
- BULGAR
- Jul 30, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 30, 2023

KInumpirma na ni Pauleen Luna-Sotto na buntis siya sa pangalawang anak nila ni Vic Sotto. Inanunsiyo niya ang magandang balita sa kanyang Instagram page kahapon (July 29).
Nag-post si Pauleen ng isang reel kung saan ay mapapanood ang panganay nilang anak na si Tali na napapagitnaan ng mga balloons na may nakasulat na “big sister.”
Sa caption, Pauleen wrote, “Someone's excited to be a.....”
Bagama’t hindi niya tinapos ang sentence, obvious na ang karugtong nito ay “big sister.”
Dumagsa naman ang pagbati ng mga netizens and celebrities sa BosLeng at masayang-masaya sila for the couple. Happy din sila for Tali na magiging ate na.
Marami rin ang nag-comment na tama ang hula nila na buntis si Pauleen dahil iba nga raw ang beauty nito ngayon.
Matatandaang unang nagsimula ang balita na preggy si Pauleen nang ibuking ito ni Joey de Leon sa first episode ng E.A.T. dahil tinawag niyang “hoy, buntis” ang misis ni Vic.





Comments