top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Gerald na ”She's the one” kay Julia

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 20, 2023





She's the One kay julia KILIG na kilig ang mga fans nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa interview ni Korina Sanchez sa aktor sa show niyang Rated Korina.


Napanood kahapon ang nasabing interview at tiyak na inuulit-ulit panoorin dahil sa sagot ng aktor sa tanong kung nag-propose siya kay Julia habang nasa Paris sila to celebrate their respective birthdays.


March 7 ang birthday ni Gerald, samantalang March 10 naman ang kaarawan ni Julia at kapwa nila pinili ang Paris para ru'n mag-celebrate.


Isa nga si Korina sa mga naniwalang nag-propose si Gerald kay Julia sa City of Love dahil sa sagot ni Gerald na “She’s the one. You just know.”


Ani naman ni Korina, “That sounds like a proposal to me.” Isang halakhak ang naging sagot ni Gerald.


Kung ganitong pati si Korina ay naniniwalang nagkaroon nga ng proposal habang nasa Paris sina Gerald at Julia, kailan kaya nila aaminin? Kailan ang proposal reveal?

Tunay ngang kaabang-abang ito.


Talaga ba?!!! P23 M BAG NI MARIAN, GAWA SA CROCODILE SKIN






Wala pang opisyal na nakapagpresyo sa bagong Himalayan Birkin 30 bag ni Marian Rivera. May nagsasabing worth P20M ito, ani ng iba ay nasa P21M, at may naniniwalang worth P23M ang bag.


In fairness sa bag na katabi ni Marian sa kanyang latest Instagram post, mas mapo-focus muna ang attention mo sa bag bago kay Marian.


Simple lang ang caption ni Marian sa kanyang post na “What a pretty sight. Thank you @xiaomapicks for helping me get this beautiful piece.”


Ang Himalayan Birkin bag daw ay gawa sa crocodile skin na sinasabing rare, mahirap hanapin o bilhin ng bag lovers lalo na ng Hermes. Kaya marami ang nag-comment na complete na ang Birkin bags ni Marian.


Speaking of Marian, sobra itong na-touch nang dalhan ng bouquet of flowers ni Dingdong Dantes.


Ang laki at ang ganda ng bouquet of flowers na combination ng tulips at peonies in yellow and pink colors.


“Ang sweet. Love you,” lang ang caption ni Marian plus red heart emoji sa IG Story post niya.


Anyway, may aabangang projects kay Marian ang mga fans. Nabanggit kasi nitong gagawa siya ng series at nabalita pang gagawa rin ng pelikula.


Samantala, about kay Dong naman, may gagawin itong projects gaya ng pelikula na ang title ay Firefly, isang series, at patuloy na busy sa pagho-host ng Family Feud at Amazing Earth.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page