Takot sa bakuna ang ilang Pinoy kaya ayaw magpaturok!
ni Ka Ambo - @Bistado | May 24, 2021
Nagsisimula na ang third wave ng COVID sa ibang bansa.
‘Yan ay dapat nang mapaghandaan!
◘◘◘
ANG third wave ay nagsisimula sa pagre-relax ng protocol kapag nagsa-subside ang first at second wave.
Ibig sabihin, mananatiling nasa lockdown ang buong bansa—hangga’t walang herd immunity!
◘◘◘
ANG aktuwal ng herd immunity ay kakarampot ang naitatalang nagkakasakit ng COVID at kakarampot na rin ang bilang ng namamatay.
Kailan pa ‘yun?
◘◘◘
KUNG gaano kabilis na namemeste ang COVID, ganyan din kabilis na maglalaho ito.
‘Yan ang naturalesa ng lahat ng peste.
Alam ‘yan ng mga magsasaka!
◘◘◘
KAPAG ang COVID ay hindi umalis o hindi naglaho sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon, may malinaw na indikasyon ito.
Ito ay hindi natural na sakit, bagkus ay imbento lamang—ibig sabihin, “man-made” ang COVID dahil lumalabag ito sa “batas ng kalikasan”!
◘◘◘
MARAMING propesyunal at edukadong tao ang ayaw pa ring magpabakuna kontra COVID.
Sumobra ang kanilang talino at ipinahamak sila ng lihis na edukasyon!
◘◘◘
NAOBSERBAHAN ko lang naman ito: Hindi takot sa bakuna ang maraming tao.
Marami riyan ay aktuwal na takot lamang sa “tusok ng karayom” sa kanilang balat!
◘◘◘
TAKOT sila na magpaturok kasi’y kitang kita talaga na tinutusok ng karayom ang balat, tapos idinidiin pa nang todo para maipasok ang likido ng bakuna.
Kapag pinanood mo, aba’y kung may phobia sa injection, talagang tatanggi ka.
Wala kasing duda na talagang tutusukin ka.
‘Yan ang dahilan kung bakit ayaw ng ilan!
◘◘◘
PUWEDE naman kasing walang side effects, pero ang aktuwal na pagtusok, paniniwala nila ay napakasakit.
Ibig sabihin, ikinakatwiran lang ng mga loko na ayaw nila sa bakuna, pero ang totoo—duwag sila sa tusok ng karayom.
Aminin, he-he-he!
◘◘◘
MAY mali ang inilabas na impormasyon ng WHO kaugnay ng COVID.
Maling-mali na sabihin na walang gamot kontra COVID.
Ninety eight percent ay gumagaling ang nagkaka-COVID.
Tinakot lang talaga nila ang daigdig!
◘◘◘
ANG pananakot ay nakapundasyon sa dalawang bagay.
Una, mabilis na makahawa, ikalawa ito ay may “1.5 to 2 percent” fatality rate.
Iniiwasan nila na mahawa ang marami kasi’y ibig sabihin, milyon rin ang katumbas ng “two-percent”.
Ganun lang kasimple!





Comments