Takot na takot ipagpalit sa iba… ANDREA, GAME PUMATOL SA BAKLA BASTA LOYAL

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 2, 2026

Photo: Andrea Brillantes - FTWBA YT
Super-interesting ang naging ganap nang mag-guest ang aktres na si Andrea ‘Blythe’ Brillantes sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam, napag-usapan kung kaya ba niyang manligaw ng lalaki at kung kaya rin ba niyang makipagrelasyon sa isang bakla.
Tanong sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda, “Kaya mo bang manligaw sa lalaki?”
“No, siguro if you asked me a few years ago, I would say yes. I would probably say yes. Right now, no. ‘Di ko po kayang manligaw sa lalaki,” sagot ni Andrea.
“Kaya mo bang makipagrelasyon sa isang bakla?” dagdag na tanong ni Boy.
“Tito Boy, no. I like this question kasi ‘di po ‘to naitatanong lagi. Okay, napaisip ako ru’n, ha?” ani Andrea.
“Siguro, Tito Boy, ako po ‘yung tipo ng tao na I just really value honesty, faithfulness, loyalty, faithful... and that you don’t cross my boundaries.
“At siguro, it doesn’t really matter if bakla nga po. ‘Di ko pa po na-try, basta lalaking ‘di magsisinungaling sa ‘kin. Feeling ko, makaka-jackpot na po ako ru’n.
“Lalaking ‘di magsisinungaling at ‘di titingin sa ibang babae. Hala, titingin s’ya sa lalaki, Tito Boy. Parang mahirap pala ‘yun kasi dalawa ‘yung titingnan ko.
“Pero ‘di, sa totoo lang, kaya ko basta ‘di s’ya tumitingin sa iba, sa ‘kin lang. And I think, masaya po ‘yun because s’ya na ang gagawa ng hair ko. ‘Di ba, meron na akong hairstylist, tapos s’ya na rin gagawa ng makeup ko. May tutulong sa ‘kin.
“So, every time na may out of the country ako, s’ya na ‘yung matic plus one ko. Dyowa ko na nga, s’ya pa ang glam team ko. Tingin ko, kaya ko basta ‘di n’ya lang ma-cross ‘yung boundaries ko,” nakangiting dagdag ni Andrea.
“Mahilig ka ba sa guwapo?” hirit na tanong ni Boy.
“Of course. Hahaha! Of course, mahilig po ako sa guwapo. Sino ba namang ‘di mahilig sa guwapo? Pero ‘di naman ‘yun ang una kong hinahanap talaga. Pagkatao po talaga ang una kong tinitingnan ngayon. Hahaha!” sagot ni Andrea.
Well, deserve naman ni Blythe ang magkaroon ng boyfriend na guwaping at siya lang ang titingnan. Sa ganda ba naman ni Andrea, titingin pa ba sa iba? ‘Di ba naman, madlang people? ‘Yun na!
OPISYAL na kinilala bilang Outstanding Congresswoman of the Year ang aktres at public servant na si Congw. Lani Mercado-Revilla sa katatapos lamang na 4th Gawad Dangal Filipino Awards.
Iginawad sa kanya ang parangal bilang pagkilala sa kanyang tapat na paglilingkod sa publiko at natatanging kontribusyon sa pagsusulong ng mga batas at programang naglalayong mapabuti ang buhay ng kanyang mga nasasakupan sa 2nd District ng Cavite.
Sa kanyang pasasalamat, sinabi ni Congresswoman Lani, “Ang inyong Ate ay palaging nagpapasalamat sa pagkakataong makapaglingkod sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagsulong ng kanilang kapakanan. Maraming salamat po sa karangalang ito! This is dedicated to every Bacooreño and Filipino whose hopes and aspirations keep me going.”
Congratulations, Congw. Lani. Deserve na deserve po ninyo ito!
NAGPAHAYAG ng pagbati ang beauty queen-aktres na si Ruffa Gutierrez para sa kaarawan ng kanyang mother dearest na si Annabelle Rama sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Instagram (IG) media account.
Ani Ruffa, “Happy Birthday to the one and only Annabelle Rama!
“To the world, you are the fierce and fearless @annabelleramaig. But to me, my siblings, and all your grandchildren, you will always be our beloved Mom and Lola. Our protector, our biggest cheerleader, our toughest critic, and one of the strongest women we know.
“We’ve had our share of laughter, tears, arguments, and unforgettable moments, but through it all, one thing has never changed... your unconditional love for your family.
“Thank you for teaching us to be strong, to stand up for ourselves, to never give up, and most importantly, to always put family first. I pray that God blesses you with many more years of good health, happiness, peace, and beautiful memories with all of us. We still have so many adventures, celebrations, and family moments ahead, Mom!
“Never lose that fire that makes you uniquely YOU. We love you. Happy birthday, Mother Dear!”
Happy birthday, Annabelle! More blessings and good health to come.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments