Solb naman dahil super rich na… PIOLO, 13 YRS. NANG WALANG DYOWA, SANAY NA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 2, 2026

Photo: Piolo Pascual iG
Nakasanayan na raw ni Piolo Pascual ang buhay bilang single. Pagtatapat nga niya kay Toni Gonzaga, 13 years na siyang walang love life, kaya hindi niya namamalayan na lumilipas ang taon.
At kapag sanay na ang isang tao na walang commitment, hindi na siya naghahanap ng kapareha. Hindi naman daw siya nakakaramdam na may kulang sa kanyang buhay. Masaya naman siya sa pagiging single at ang kanyang career ang itinuturing niyang love life.
Ang mahalaga ay napaghandaan niya ang kanyang future at financially stable na siya ngayon. Hawak niya ang kanyang oras, hindi siya nape-pressure na magtrabaho. Puwede siyang magbakasyon anytime na gusto niya.
At this point of his life, secure at contented na si Piolo sa kanyang buhay. Hindi na niya kailangang makipagkumpitensiya sa ibang aktor. May sarili na siyang tatak sa showbiz.
SA ipinakitang tatag at lakas ng loob ni Kris Aquino, umaasa ang King of Talk na si Boy Abunda na magkakaroon ng katuparan ang pangarap niyang magkasama silang muli ni Krissy sa isang talk show.
Ramdam na ramdam ni Boy ang masidhing pagnanais ni Kris na balikan ang pagho-host ng isang talk show sa kabila ng kanyang pakikipaglaban sa sakit niyang autoimmune disease.
Hindi basta sumusuko si Kris Aquino. Ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob upang patuloy siyang lumaban.
Kaisa rin niya ang libu-libong prayer warriors na sama-samang nagdarasal para siya ay gumaling.
Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, patuloy si Kris na lumalaban upang hindi siya kaawaan ng publiko.
Bukod sa padir na may bangko…
MICHELLE, MATINDI ANG SPONSORS, MAY ‘K' SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS
Sasali pala si Michelle Dee sa second edition ng Ms. Grand International All Stars. Kaya naman may advise sa kanya si Ms. Universe-Phils. 2019 Gazini Ganados upang mapaghandaan ang mga challenges na haharapin niya sa Ms. Grand International All Stars.
Sa nakaraang taon ng nasabing beauty pageant ay may political issues na sangkot kaya dismayado ang ilang kalahok na kandidata.
Ayon pa kay Gazini Ganados, hindi sapat na maganda at popular lang ang isang kandidata sa Ms. Grand International All Stars beauty pageant. Kailangan ni Michelle na mag-focus sa boto na papasok sa kanya. Financial support ang kailangan upang umangat siya sa Top 5 position.
Malaking pera ang kailangan upang manalo sa Ms. Grand International All Stars.
Well, for sure na bubuhos kay Michelle Dee ang financial support mula sa partidos ng kanyang ama dahil nagmamay-ari sila ng malaking bangko at malawak din ang connection sa mga Chinese businessmen.





Comments