Ganern, James Reid? NADINE, UMAMING MARAMING PINAGSISISIHAN NU'NG 20S NIYA NA GUSTONG GAWIN NANG TAMA

Updated: 1 hour ago
ni Vinia VIvar @Frankly | November 2, 2026

Photo: Nadine Lustre - IG
Sa pagdiriwang ng kanyang ika-33 kaarawan nitong nakaraang Sabado, October 31, may hugot si Nadine Lustre sa kanyang mga nakaraang taon.
Sey niya sa kanyang Instagram (IG) post, may time raw na pinagsisisihan niya ang mga bagay na ginawa niya noong kanyang 20s. Maraming beses daw niyang hiniling na sana’y makabalik siya sa nakaraan at magawa niya nang tama ang mga bagay-bagay.
“There was a time when I looked back at my 20s with so much regret. So many moments I wished I could revisit, thinking I could’ve lived them differently, or maybe better,” simula ni Nadine.
Pero ngayon daw ay nabago na niya ang kanyang pananaw dahil nakakita siya ng liwanag.
“And somewhere along the way, that feeling changed. I found myself drawn to the light, watching the years slowly unfold in reverse. And for once, instead of wishing I could change any of it, I found myself grateful to have lived it all,” aniya.
“Happy birthday to me,” pagbati niya sa sarili.
Pero ang talagang nakaagaw ng pansin sa mga netizens ay ang komento ni Alden Richards na “Sana all, kinukuha ng liwanag, Ma’am (Nadine).”
Tawang-tawa ang mga netizens sa joke ni Alden kay Nadine.
“Hahaha! Ang kulit!” komento ng isa.
“HAHAHAHA! POT*K,” reaksiyon naman ng isa pa.
“Kung single lang si Nadine, isi-ship ka namin sa kanya,” sey naman ng isang faney.
“Kung anu-ano na lang talaga, Alden,” sabi naman ng isa pa.
Lumang piktyur, naglabasan, ‘di raw ikinakahiya… AZ, PROUD SA RETOKADONG ILONG

AZ Martrinez - IG
WALANG isyu para kay AZ Martinez kung naglalabasan man ngayon sa social media ang kanyang mga lumang litrato bago siya sumailalim sa isang cosmetic enhancement dahil aniya ay bahagi lamang ito ng kanyang journey at personal growth.
Hindi rin niya ikinakahiyang aminin na totoong nagparetoke siya ng ilong.
“Yes, I got my nose done,” pag-amin niya sa panayam ng Chika Cart.
Sey niya, hindi siya napipikon kung naglulutangan man sa internet ang kanyang old photos.
“Honestly, ‘di ako napipikon kapag lumalabas ‘yung older photos ko, kasi konti lang naman ‘yung ipinagbago. And I think everyone goes through a glow up stage,” sey niya.
“I think everyone goes through ‘yung that time wala akong pakialam sa hitsura ko, ngayon may paki na ako,” dagdag niya.
Siya raw mismo ay hindi niya rin naman gustong malibing na sa limot ang mga lumang larawan niya.
“I think it’s normal and it’s fine kasi ang dami ko ring achievements when I was younger. ‘Yung mga photos na ‘yan, ayoko ring i-let go, it’s very important to me.
“May photos din ako ru’n na kasama ko ‘yung dad ko, so it’s very important and ayokong ma-delete ‘yun sa memory ko,” paliwanag ng aktres.
“If ever people bring those back up, it’s fine with me,” sey pa niya.
Ayon sa aktres, hindi rin daw biro na dumaan sa isang cosmetic procedure na bukod sa magastos ay masakit pa raw.
“It takes so much courage for you to go through ‘yung mga knife and ‘yung… everything. Kasi, grabe, ang sakit ng enhancement, ha? At ang gastos! May anesthesia, lahat-lahat!
“Ang sakit ‘yung tatanggalin na ‘yung stitches. Oh, my God, iyak ako nu’n,” pag-alala niya.
“So, honestly, we should be proud of those who have so much courage for going through that,” aniya.
“Ba’t n’yo sila idya-judge? You should empower them, we should love them more, kasi they’re starting to love themselves. If they wanna be more confident, and if that’s their way of being more confident, then we should accept that and we should love them for who they are,” pahayag pa ng aktres.





Comments