Takot makulong, sumuko sa NBI… ENCHONG, NAGPIYANSA NA SA P1 B CYBER LIBEL
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 02, 2022

Umani ng papuri si Enchong Dee sa social media pagkatapos niyang humarap voluntarily sa NBI QC office last January 31.
Bumilib ang mga netizens sa tapang ni Enchong na panindigan ang consequence sa paghahayag ng kanyang saloobin kaugnay ng naging bonggang kasal ni DUMPER Rep. Claudine Bautista sa Balesin Island nu'ng isang taon.
Matatandaang dahil sa matapang na caption ni Enchong sa ini-repost nito sa social media na wedding picture ng kongresista ay kinasuhan siya ni Rep. Bautista ng P1 bilyong cyber libel.
Sey ng ilang netizens, “Tapang!”
“Dapat ganyan katapang ang mga bashers, 'wag kayong magtago sa troll account n'yo, ipakita n'yo ang mga mukha n'yo at 'pag hinabol kayo ng mga artista, harapin n'yo!”
Nag-react din ang mga netizens sa laki ng halagang nakapaloob sa case na isinampa laban kay Enchong.
“P1B, sobrang laki.”
“P1 Billion, 'kalokah!”
“Yup, masyadong OA ang P1B. Ano 'to, pera-pera na lang? Sabagay, 'di pa naman tapos ang kaso, mapag-uusapan pa ng dalawang panig sa korte. Ang dami ngang artistang nagsampa ng kasong libel, kaso 'di naman P1B damages ang in-ask.”
Marami rin ang nag-post ng words of encouragement and support para kay Enchong.
“We’re behind you, Enchong!”
“Praying for your safety, Enchong Dee.”
“Enchong, keep the faith. We are praying for you. Stay faithful. Stay strong.”
Nakapag-post pala ng bail si Enchong on the same day that he went to NBI, kaya ‘di siya nag-stay overnight doon or else, aabutin pa siya hanggang Miyerkules. Kasi nga, holiday kinabukasan (Martes, February 1).
May judge raw kasi na naayos ang necessary papers ni Enchong para ‘di na siya maipasok sa detention after office hours.





Comments