top of page

Takot magselos si Sarah… MATTEO, NAPIKON, KINOMPRONTA SI ALEX DAHIL KAY LABOCHING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 13, 2022



Napikon na nga si Matteo Guidicelli sa pagbibiro-panunukso sa kanya ni Alex Gonzaga na kasama niya sa noontime show na Tropang LOL. Pilit kasing inili-link ni Alex si Matteo sa co-host nilang si Laboching.


Eh, hindi sanay sa ganu'ng biruan at tuksuhan si Matteo dahil may asawa siya at mahal na mahal niya si Sarah Geronimo.


Kaya naman, sa nakaraang episode ng Tropang LOL, bago natapos at nagpaalam ang mga hosts, nakiusap si Matteo na may sasabihin lang siya kay Alex na katabi niya.


Diretsong sinabi ni Matteo Guidicelli kay Alex na sana ay irespeto naman nito ang kani-kanilang asawa na sina Sarah Geronimo at Councilor Mikee Morada.


Sabi pa ni Matteo, iniyakan at inisip niyang mabuti ang nangyari sa kanya sa Tropang LOL.


Masyado siyang apektado sa ginawang panunukso ni Alex sa kanya.


Well, marami naman ang kumampi at pabor sa ginawang paninita ni Matteo kay Alex Gonzaga.


Dapat daw ay maging sensitibo si Alex sa kanyang sinasabi at ginagawa.


Hindi lahat ng tao ay game sa kanyang pagbibiro. Dapat ay pinipili ni Alex ang kanyang bibiruin-tutuksuhin.


Seryoso at disenteng tao si Matteo Guidicelli at ayaw niyang masaktan ang kanyang mahal na wifey na si Sarah Geronimo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page