top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Takot daw… ETHEL, 3 BESES NANG NIYAYA NG KASAL, UMAYAW PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 6, 2022
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 6, 2022




Wala talagang kupas ang pagiging classic na komedyante ng sexy comedienne na si Ethel Booba!


Muli naming nakita nang personal at na-interview si Ethel sa ginanap na physical presscon kahapon ng bago nilang travel reali-talk show ng kapwa komedyanang si K Brosas sa TV5, ang Lakwatsika, na ginanap sa mismong studio ng TV5 sa Reliance, Mandaluyong City.


Isa sa mga naitanong sa presscon sa dalawang comedienne-hosts ng Lakwatsika ay kung may audience na raw bang napikon o kaya ay nag-react nang 'di maganda sa mga jokes nila at ano ang ginawa sa kanila.


Nai-share ni K na may na-experience siyang isang lalaki sa audience na hinawakan ang kanyang kaliwang dibdib.


Bagama't shocked daw si K, idinaan pa rin niya sa pagpapatawa at sinabing hawakan na rin ng lalaki pati ang kanyang kanang dibdib para it's a tie!


Kuwento naman ni Ethel, minsang mag-show siya sa Dubai, naloka siya nang sabihan siya ng isang lalaki na, "Are you gay?"


Seryosong hirit ng komedyana, "Ang dami ko nang ipinagawa, napagkamalan pa rin akong bakla?" kasunod ng pag-aming na-offend nga siya ru'n.


Anyway, sa bago nilang travel-reali-talk show na original ang concept, sobrang happy sina K at Ethel dahil hindi lang sila basta nagtatrabaho, sobrang nae-enjoy pa nila ang iba't ibang magagandang lugar sa 'Pinas na kanilang pinupuntahan tulad ng Masbate, ang rodeo capital ng 'Pinas.


Natanong nga namin sina K at Ethel na kung magpapakasal sila, saang destination kayang napuntahan na nila gustong magpakasal?


Sagot ni K, gusto niyang sa Batanes sana, ang problema lang ay wala pang dyowa na nagpo-propose sa kanya.


Samantala, rebelasyon naman ni Ethel, niyaya na pala siya ng dyowa niya ngayon at ama ng kanyang anak na magpakasal na. Actually, may singsing na nga raw ito at formal proposal na lang siguro ang kailangan, pero sabi ng komedyana, tinanggihan niya dahil takot siyang magpakasal.


At sabi pa ni Ethel, not just once but thrice na pala siyang nakatanggap ng marriage proposal na 'yung dalawa ay sa ibang ex-boyfriends niya pero tumatanggi lang daw talaga siya.


Sabi tuloy ni K, kung sa kanya lang may mag-propose, oo na agad siya, 'di tulad ni Ethel na umaayaw pa.


Anyway, sa April 18 na magsisimula ang Lakwatsika, Monday to Friday, 11 AM sa TV5.


Sa teaser pa lang, nakakaengganyo nang panoorin dahil 'kaaliw ang tambalan nina Ethel at K na parehong nakakatawa ang mga hirit, plus ang gaganda pa ng mga lugar na pinupuntahan nila kaya magandang tutukan para may idea na tayo sa ating mga dream destinations, devah?


Makakasama naman online para maka-bonding at maging On The Watch (OTW) sa bawat ganap ang mga Lakwatsidoras, na pinangungunahan nina Bidang Batangueña Queenay na may 11.5 million followers sa TikTok, at Reyna Probinsyana Marimar Tua, na kamakailan lang ay itinanghal bilang Ultimate BidaOke Star ng Sing Galing.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page