top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Taklesang Spokesman si Roque, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 08, 2021


RICE TARIFF LAW NI P-DUTERTE, TABLADO KAY BONGBONG MARCOS--Sabi ni former Sen. Bongbong Marcos, kapag siya ang naging pangulo ay sususpendihin niya ang Rice Tariffication Law dahil pahirap ito sa mga magsasaka.


Naku, baka lalong magalit si P-Duterte kay Bongbong kasi ang pangulo ang nag-aprub ng batas na 'yan, tapos sususpindehin niya kapag siya ang nagwagi sa presidential election next year.


Kulang na lang sabihin ni Marcos na para sa kanya ay "basura" ang nilagdaang batas ni P-Duterte patungkol sa Rice Tariff Law, period!


◘◘◘


YORME, TODO-SIPSIP PA RIN KAY P-DUTERTE--Matapos sabihin ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno na tagumpay ang laban ng Duterte gov't. sa COVID-19, sinabi ni Yorme na iboboto niya for senator si P-Duterte kasi magaling na lider ang pangulo at marami itong nagawang maganda sa bansa.


Talagang todo-sipsip na si Yorme kay P-Duterte para makuha ang suporta ng Malacañang, boom!

◘◘◘


TAKLESANG SPOKESMAN SI HARRY ROQUE, HINDI MAGALING NA SPOKESMAN--Sa political ad ni former Presidential spokesman Harry Roque ay napataas ang kilay ng publiko sa eksena rito ni P-Duterte na sinasabing ito ang pinakamagaling na naging presidential spokesman.


Mapapataas talaga kilay ng publiko kasi salat sa katotohanan ang sinabing ito ni P-Duterte.


Kung ang sinabi ni P-Duterte ay si Roque ang naging pinaka-taklesang spokesman, paniniwalaan pa ng publiko, pero 'yung pinakamagaling na naging spokesman, eh, ano 'yan… fake news, period!


◘◘◘


SA NAKALIPAS NA MAHIGIT LIMANG TAONG PATAYAN SA 'PINAS, NGAYON LANG NAGKABOSES SI MAYOR SARA NA KONDENAHIN ITO--Kinondena ni vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio ang pananambang at pagpatay kay Mayor Saguidilan Lajid ng Albarka, Maguindanao.


Mantakin n'yo, sa nakalipas na mahigit limang taon na mga pagpatay na naganap sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte, ay ngayon lang narinig ng publiko si Mayor Sara na bumabatikos sa killings.


Kung hindi kumandidato for VP si Mayor Sara, baka hanggang ngayon ay dedma lang siya sa mga patayang nagaganap sa bansa, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page