top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Takang-taka sa pagbabago ng GF... RONNIE, NAKATIKIM NG SUNGIT NI LOISA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 17, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 17, 2022



Ibinuking ni Ronnie Alonte na habang ginagawa nila ng girlfriend at ka-love team na si Loisa Andalio ang serye nilang Love in 40 Days ay mabilis daw itong mairita.


“Minsan kasi, mahilig ako, pagka-off cam, o kunwari, nagbabasa ng script or pa-on the set pa lang, kinakausap ko siya, ganyan, parang ang bilis niyang mairita konting tanong ko lang. 'Ano'ng ikinakagalit nito sa ‘kin?'” natatawang kuwento ni Ronnie sa farewell mediacon ng Love in 40 Days.


Pero naiintindihan naman ni Ronnie ang girlfriend na baka naka-focus lang sa karakter nito.


“Hindi, nadala ko si Jane (pangalan ng karakter ni Loisa),” hirit naman ng aktres.


Masungit daw kasi noong una ang kanyang karakter.


Kuwento pa ni Ronnie, “Pag-uwi nga ho namin, pagkatapos ng first cycle namin, sinasabi niya, ‘Ako na si Loisa.’”


Paliwanag naman ni Loisa, hindi raw niya sinasadya, pero nadadala lang niya talaga ang kanyang karakter even after the take.


Sabi naman ni Ronnie, marahil ay isa rin ito sa mga epekto ng locked-in taping na walang uwian.


In real life ay six years na ang love team at relasyon ng LoiNie at sa ngayon ay itinuturing na isa sa pinakamatatag na tambalan sa ABS-CBN.


Ano nga ba ang sikreto ng kanilang matatag na relasyon?


“Ako, sa ‘kin po, simple lang po. Siguro, respeto sa isa’t isa. Kasi, inirerespeto ko siya, inirerespeto niya ‘ko. So, bigayan po kami,” sabi ni Ronnie.


Dagdag pa niya ay hindi nila ina-under or dinodomina ang isa’t isa.


“Hindi po kami ‘yung tinatawag na ‘Oy, baka ina-under ka nito, ina-under ka niyan,’ wala po sa amin ‘yung ganu’n,” anang aktor.


Dagdag naman ni Loisa, “At saka, ‘yung may takot ako sa kanya, siya rin. ‘Yung ganu’n ba.


Kumbaga, parang ayaw niya ng ikakasama ng loob ng isa or ikakasama ng loob ko hangga’t maaari.


“Kasi ang dami na po naming pinagdaanan para pag-awayan pa namin ‘yung maliliit na bagay.”


Sey naman ni Ronnie, sakali man daw na may dumating pang pagsubok sa kanila ay nakahanda silang harapin ito.


“Alam po namin na mayroon pang darating na pagsubok, problema na mas malaki pa sa pinagdaanan namin. Pinag-uusapan namin, sinasabi ko kay Loise, handa naman ako do’n, handa naman ako sa problema na ‘yung kung anuman. Basta andito ‘ko lagi para sa kanya,” pahayag ni Ronnie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page