top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Takang-taka nu’ng una, pero nang may malaman…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2021
  • 1 min read

JOHN LLOYD, NATAUHAN NANG ‘DI MABIGYAN NG PRANGKISA ANG ABS-CBN

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 21, 2021





In a one-on-one online interview with MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chairperson Rachel Arenas, ipinahayag ni John Lloyd Cruz ang kanyang damdamin bilang ama ni Elias Modesto na anak nila ni Ellen Adarna.


Ang nasabing interview sa MTRCB Uncut ay naka-upload sa YouTube Channel ng MTRCB.


Marami silang napag-usapan na mostly ay tungkol sa pelikula. Pero at one point ay naitanong din ni Chair Rachel ang tungkol sa personal life ni Lloydie.


Tanong ni Chair Rachel, “How did your life change nang dumating sa buhay mo ang anak mo?”


Napangiti si Lloydie and said, “Ang ganda ng segue n’yo, Ma’m” sabay-tawa.


And he answered, “Siyempre, ano, para kang nagkaroon ng bagong buhay.”


Sumunod na tanong sa kanya ay kung ano ang biggest dream niya para sa anak.


“Hindi ko alam kung big na ‘yun para sa akin, I’m sure ‘yung dreams niya will be so much bigger, ‘no? Pero para sa akin, magawa niya lang ‘yung kung ano ‘yung talagang kumbaga, ‘yung hangad ng damdamin niya or kung ano ‘yung gusto niyang gawin.


“Kung gusto niyang maging astronaut, kung gusto niyang maging tambay, kung ano’ng gusto niyang gawin. Kumbaga, susuporta lang ako,” pahayag ni Lloydie.


Naitanong din sa aktor kung ano ang naramdaman niya nang hindi mabigyan ng franchise ang home network niyang ABS-CBN.


“Nagtaka, ano’ng nangyari? Bakit nangyayari ‘to? Bakit sa ganitong panahon? And then ‘yung pagtataka mo would lead to even more questions pala, and then, makikita mo how big the picture really is,” he said.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page