Taiwan, luluwagan na ang paghihigpit sa Chinese tourists
- BULGAR

- Aug 28, 2023
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 28, 2023

Luluwagan na ng Taiwan ang kanilang mga paghihigpit sa Chinese business at group travelers bilang hakbang sa pagpapatuloy ng turismo ng China.
Matatandaan na sinuspinde ng Beijing ang mga individual tourism permits pa-Taiwan noong 2019 dahil sa lumalalang relasyon sa ilalim ng administrasyon ni Taiwanese President Tsai Ing-wen, na tumangging tanggapin ang pag-angkin ng China sa self-ruled island.
Binuksan ng Taiwan ang boarders nito sa karamihan ng turista noong nakaraang Oktubre matapos ang ilang taong pagsasara dahil sa COVID-19 pandemic pero ipinagbawal ang mga turista mula mainland China.
Sa kasalukuyan, ang Mainland Affairs Council, ang Taiwanese government body na namamahala sa cross-strait relations, ay nag-anunsyo na kanilang luluwagan ang paghihigpit sa mga business traveller mula sa China mula Lunes.
Ang Individual Chinese nationals ay maaari ring mag-apply upang makapasok sa Taiwan mula sa ibang bansa mula Setyembre 1.





Comments