top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tahimik sa hiwalayan pero… PANCHO AT MAX, TOGETHER AGAIN SA B-DAY NG ANAK

BULGAR
Jul 8, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 8, 2022



Dalawa ang birthday parties ni Skye, ang anak nina Pancho Magno at Max Collins, at sa party na bigay ng Kapuso actress na ginawa sa Hotel Okura sa Resorts World, wala si Pancho, mga ninang at friends ni Max na sina Michelle Dee at Rhian Ramos lang ang ilang bisita.


Sa party namang ibinigay ni Pancho sa 2nd birthday ng anak, present si Max na ikinatuwa ng mga nakakita ng kanilang larawan na magkasama ang mag-asawa at ang kanilang anak. May nag-comment nga na kung nakakapagsalita lang si Skye, masayang-masaya siguro ito na kumpleto silang tatlo at sa birthday pa niya.


Makikita sa video na ipinost ni Pancho na panay ang hawi niya sa buhok ng anak na parang miss na miss niya ito. Maririnig din ang boses ni Max sa video na masaya at pumapalakpak, pero hindi siya nakita sa video.


Hindi lang ang pagwi-wish ng happy birthday kay Skye ang mababasa sa mga comments, pati ang wish na sana, magkabalikan na sina Max at Pancho.


On the other hand, marami rin ang pumupuri sa dalawa dahil maayos ang co-parenting setup nila at tahimik sila sa nangyari sa marriage nila, kaya tahimik din ang mga tao.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page