top of page
Search
  • BULGAR

Tahimik na ang community pantry, tapos na magpasikat ang mga epal

ni Ka Ambo - @Bistado | May 18, 2021



Bigo si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa 2020 Miss Universe contest.


Mahalaga ay nakalahok tayo!


◘◘◘


HINDI ba pupuwedeng iwasan ang paggamit ng disenyo ng watawat ng Pilipinas sa mga gown ng mga kandidata?


Bakit hindi baro at saya gamit ang indigenous materials ang idisenyo sa gown?


◘◘◘


SA totoo lang, pambabastos sa watawat ang estilong ito ng mga designers.


Hindi nila alam na mali ang kanilang ginagawa!


◘◘◘


GINAMIT mong “damit” ang watawat ng iyong bansa?


Kapag niretoke at naging basahan ‘yan, nabababoy ang simbolo ng iyong bansa!


◘◘◘


IPAGBAWAL din ang paggamit ng disenyo ng watawat sa mga uniporme ng mga atleta.

Hindi ito tama.


‘Ika nga ng Kristo: Hindi nila alam ang kanilang ginagawa ay mali!


◘◘◘


NAILIGTAS ang mga sanggol sa nasunog na bahagi ng PGH.


Oh, Lord, saved the babies!


◘◘◘


NILUSOB ng Israel ang Gaza gamit ang ground assault.


Mahabang away na naman ito!


◘◘◘


PAANO ang iiwasan ang away ng mga bansa?


Magtanong kay P-Digong!


◘◘◘


GUSTO ni Sen. Richard Gordon na kumandidatong pangulo ng bansa.


Magiging “Red” ang pondo ng Red Cross!


◘◘◘


KAHIT nagdeklara si Gordon, walang pumansin sa kanya.


Hindi siya nakakahalata!


◘◘◘


PUWEDENG magtandem sina Ex-Sen. Antonio Trillanes at Gordon sa 2022.


Puwede silang mag-golf!


◘◘◘


NAGKASABAY na naman sa iisang target ang drug buybust operation ang PNP at PDEA.


Huh, baka napasok na sila ng “double agent”?


◘◘◘


ANO raw ang legacy na iniwan ni ex-PNP Chief Debold Sinas?


Napaliit niya ang kanyang ‘belly’!



◘◘◘


HINDI malinaw kung kakandidatong pangulo si VP Leni.


Huh, dapat na siyang magdesisyon, nahihirapan na ang iba pang aspirante — sa pagka-presidente at pagka-gobernador!


◘◘◘


WALA nang isang taon ang pangangampanya.


Liyamado na agad ang mga may “name recall”!


◘◘◘


IMPOSIBLE nang maabot sa physical campaign ang lahat ng rehiyon.


Pero, ubod nang bilis itong maaabot gamit ang social media!


◘◘◘


SA kauna-unahang pagkakataon, puputaktehin ang social media ng political ads.


Eh, paano?


◘◘◘


MALULUTO raw ang itlog ngayon dahil sa sobrang init.


Bawal na raw lumabas ng bahay ang mga “boys”!


◘◘◘


NAWALA ang “ingay” ng community pantry.


Gusto lang kasing magpasikat ng iba!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page