top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tagilid ang Duterte-Duterte 2022 sa “Bongbong” Marcos for president

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 19, 2021



DAPAT TUNGKOL SA BAKUNA ANG IDINADAKDAK NG MALACAÑANG HINDI PANGUNGUTYA KAY VP LENI—Matapos kutyain ni P-Duterte si Vice-Pres. Leni Robredo na hindi ito kuwalipikadong maging pangulo ay sinabi rin nina Presidential spokesman Harry Roque at Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na walang kakayahan si VP Leni na magpatakbo ng bansa.


Pambihira, imbes na tungkol sa COVID-19 vaccines, kung kailan talaga darating ang mga bakuna, eh, ang idinadakdak ng mga taga-Malacañang ay pangungutya sa pagkatao ni VP Leni, mga buwisit!


◘◘◘


KAPAG ITINULOY NG KAMPO NI P-DUTERTE ANG PAG-ITSAPUWERA KAY “BONGBONG” MARCOS, TAGILID ANG “DUTERTE-DUTERTE” SA 2022—Kapag itinuloy ng kampo ni P-Duterte ang pag-itsapuwera kay ex-Sen. Bongbong Marcos dahil niluluto na ang Duterte-Duterte (Mayor Sara for president at P-Duterte for vice-president), at kumana sa pagka-pangulo si Marcos ay tatagilid sa presidential election ang tandem ng mag-amang Duterte.


Sa totoo lang, milyun-milyong Marcos loyalist ang hindi ibinoto ang tandem ni Marcos na si ex-Sen. Miriam Santiago dahil may taning na buhay nito, at ang boto nila (Marcos loyalists) ay kay P-Duterte nila ibinigay.


Ibig sabihin, kapag itinuloy ni Marcos ang pagtakbong pangulo, tiyak na ibabasura ng mga Marcos loyalists ang Duterte-Duterte tandem, period!


◘◘◘


GINASTA SA KALENDARYO AT TARPAULIN SA “RUN SARA RUN”, SANA IPINAMBILI NG PAGKAIN SA MGA NAGUGUTOM—Hindi lang sa Mindanao at Visayas nagkalat ang mga naglalakihang tarpaulins na may katagang “Run Sara Run,” kasi nagkalat na rin ito sa Metro Manila.


Mantakin n’yo, matapos may mamigay ng mga kalendaryong may kataga rin na “Run Sara Run,” tarpaulins naman ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang ikinalat sa iba’t ibang panig ng bansa.


Kung ang ginasta sa ipinampagawa ng mga kalendaryo at tarpaulins ni Mayor Sara ay ipinambili ng pagkain, marami sanang mahihirap na naghihikahos ang pamumuhay sa gitna ng pandemya, ang nagkalaman ang nagugutom na sikmura, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page