Tagabitbit ng gamit ng dyowa sa shooting… MCCOY AT ELISSE, NAGKABALIKAN NA
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 19, 2023

Trulili kaya na nagkabalikan na o sinusuyo uli ni McCoy de Leon ang ex-partner niyang si Elisse Joson na nanay ng anak niyang si Felize McKenzie?
Isa kasi sina McCoy at Elisse sa mga topics nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa kanilang Showbiz Update YouTube channel.
Sabi ni Mama Loi, “Mukhang maraming magiging masaya dahil nga itong sina McCoy de Leon at Elisse Joson, mukhang bati na (muwestrang close) and together again.”
Nagulat na tanong ni Ogie, “Nagkabalikan si McCoy at si Elisse?”
Ang saya ng reaksiyon ni Mama Loi, “Mukha!”
“Ikuwento mo nga ‘yan!” sabi kaagad ni Ogie.
“Eh, kasi nga, ‘Nay, nu’ng Friday the 13th, sa shooting ng isang project na kasama si Elisse Joson, kasama niya sa shooting si McCoy pero hindi kasama si McCoy du’n sa project, ha?” masayang tsika ng co-host ni Ogie.
Tinanong ni Ogie si Mama Loi kung confirmed ba 'yun at oo ang sagot ng huli.
“Oh, my God! So, kung magkasama sila, nagkabalikan sila o nagkaayos na, pero hindi sila ulit?”
tanong ulit ni Ogie kay Mama Loi.
“Hanggang matapos (ang shooting), nandu'n si McCoy, eh. Tapos, si McCoy pa ‘yung nagbibitbit ng mga gamit ni Elisse. Eh, kung civil lang sila, ‘Nay at kung hindi sila bati or together again, kailangan bang tumambay ni McCoy sa shooting ni Elisse nang maghapon?” diing paliwanag ulit ni Mama Loi.
Opinyon naman ni Ogie, “Baka naman nandoon ang bagets (Felize) para nga naman makasama na ni McCoy dahil nga hindi niya nakikita ang anak."
Sagot kaagad ni Mama Loi, “Wala!”
At happy daw ang reaksiyon ni Elisse habang nandu'n si McCoy sa tabi niya, base sa mga nakakita.
“Eh, ganoon naman talaga kapag mayroon kayong supling, hindi mo pa rin talaga makakalimutan ‘yung tatay ng anak mo. Nandoon pa rin ang pag-ibig lalo na nakikita niya ang mukha ni McCoy sa anak nila,” sambit ni Ogie.
Tsinek namin ang Instagram account ni McCoy at wala namang bagong post o update samantalang si Elisse naman ay nag-post sa IG Stories ng video na kausap niya ang anak na si Felize na bagong gising.
Sa pagkakaalam din namin ay inaayos ni McCoy ang relasyon nila ni Elisse. Hindi lang namin alam na kapag okay na sila ay babalikan ulit nila ang bahay na tinirhan nila sa Ayala, Alabang kung saan nangupahan sila dahil bayad pa rin ito hanggang ngayong mid-2023. Ang nasabing magandang bahay ay pag-aari ng kaanak ng aktres.





Comments