top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Taga-Sorsogon daw, Heart… KALAT NA: NABUNTIS NI CHIZ, NANGANAK NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 21, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 21, 2022


Grabeeee!!!


Akala namin ay tapos na ang mala-teleseryeng istorya ng hiwalayang Heart Evangelista-Sen. Chiz Escudero dahil ilang araw na rin itong natigil sa pagsulpot ng kung anik-anik na isyung showbiz.


But wait… there's more pa pala sa kuwentong ito na nakarating sa amin.


Remember, una na naming naisulat ang chika ng isang source na diumano'y may-edad nang kasambahay ang sinasabing nabuntis ng senador na mister ni Heart, bagama't wala naman tayong narinig na pag-amin o pagde-deny mula sa mag-asawa.


Ang nakakatawa, heto na ngayon ang kuwentong nanganak na raw ang girl at 'di naman daw "Maid in Manhattan" talaga ang diumano'y nabuntis ni Sen. Chiz kundi part daw ng legal team ng senador sa Sorsogon.


Usap-usapan na rin daw 'yan sa probinsiya ng mister ni Heart, bagama't wala namang malinaw na masabi ang source kung kailan nanganak ang girl at ano'ng gender ng bata.


Kaya napapaisip tuloy kami kung may gusto lang ba talagang siraan si Sen. Chiz o guluhin ang pagsasama nila ni Heart?


Pero bakit nga ba tahimik pa rin hanggang ngayon ang dalawa, gayung makakabuo na ng isang kumpletong script ang mga Marites at baka bago pa sila magsalita, may ending na pala ang kuwento. Hahahaha!


At lalo pa tuloy tumitibay ang espekulasyon ng mga Marites na netizens dahil napansin nilang 'pag nag-OOTD at rumarampa-rampa si Heart ngayon, wala na raw itong suot na engagement at wedding ring.


Luh!!! Si Heart pa bang mahilig magsuot at magdispley ng mga bonggaels niyang alahas ang hindi isusuot 'yun?


Hmmm… nakakapag-isip nga naman, devah?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page