top of page
Search
  • BULGAR

Taekwondo Jin Barbosa, nagwakas ang kampanya

ni Gerard Arce / VA - @Sports | July 25, 2021




Ganap nang nagwakas ang tsansa ng Filipino taekwondo jin na si Kurt Barbosa na magkamedalya sa taekwondo competition ng Tokyo Olympics matapos na ma-upset ang top-seed na si Jang Jun ng Korea ni Mohammed Khalil Jendoubi ng Tunisia, 25-19, sa semifinals ng men’s -58 kilogram class Sabado (Hulyo 24) ng hapon sa Makuhari Messe Hall.


Sinorpresa ni Jendoubi ang reigning world champion na si Jang at winakasan ang tsansa ni Barbosa na makabalik sa laban makaraang matalo,6-26 kay Jang sa round-of-16. Puwede pa sanang umabot si Barbosa sa podium sa pamamagitan ng paglalaro sa repechage, ang stepladder sa pagitan ng mga jins na natalo ng dalawang finalists.


Unang nakatikim ng kabiguan sa kamay ng 2019 Manchester World Championship at 2016 World Juniors champion No.1 ranked Jang Jun ng South Korea, 6-26, kahapon ng umaga.

Nagkatsansa ang 22-anyos mula Abra, Bangued na si Barbosa na umabot sa podium finish dahil puwede syang lumaban sa repechage bout kapag umabot si Jang sa finals. Nadomina ng mas matangkad na si Jang si Barbosa mula simula ng laban nila kung saan sinimulan nito ang opening round sa iskor na 10-0.


Nakaiskor lang ang Pinoy sa unang pagkakataon bago mag-second round. Hindi na sana aabot ng third round ang laban ngunit tinawagan si Jang ng Gamjom sa paggamit ng illegal technique sa huling 10 segundo ng second round.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page