top of page

Taas-sahod sa Northern Mindanao at Caraga, aprub

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 2, 2026



Labor Day 2026 - Bongbong Marcos

Photo: Bongbong Marcos



Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na makatatanggap ng mas mataas na sahod ang mga minimum wage earner sa Northern Mindanao at Caraga kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day.


Ayon kay Marcos, umabot sa 89 wage orders ang inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards mula Hunyo 2023 hanggang Abril 2026.  


“Kabilang dito ang wage hikes na epektibo ngayong araw, tulad ng sa Region 10 at sa Region 13,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 124th Labor Day Celebration sa KCC Convention and Events Center sa General  Santos City.


“Ang arawang sahod ng manggagawa sa lugar na ito ay tumaas na sa P500 at P475,” wika ni Marcos.


Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa P485 hanggang P500 na ang bagong arawang minimum wage sa Northern Mindanao matapos ipatupad ang ikalawang tranche ng P14 na umento sa sahod.


Sa Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula, ipatutupad sa Hunyo 1 ang ikalawang tranche ng umento sa sahod na nagkakahalaga ng P18 at P25, ayon sa pagkakasunod.

Nakatakda ring makatanggap ng ikalawang tranche ng kanilang wage adjustments ang Bicol Region at Davao Region sa huling bahagi ng taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page