Pinoy seaman, patay sa pagsabog ng oil tanker

by BRT @News | November 8, 2026

Photo: DMW
Nasawi ang isang Filipino seafarer matapos sumabog ang oil tanker na MT Velos Sapphire sa Persian Gulf nitong Huwebes, Nobyembre 5.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nakaligtas naman sa insidente ang 21 iba pang Pilipinong tripulante ng barko.
Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng pagsabog, kabilang ang posibilidad na dulot ito ng isang drone attack.
Wala pang kumpirmasyon kung may kaugnayan sa pag-atake ang insidente.





Comments