top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg

Year-end bonus at cash gift, dagdag sa P30K ng taga-gobyerno

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 8, 2026



Ibibigay mula Dec. 15-31... P30K bonus sa taga-gobyerno

Photo: File



Makatatanggap ng year-end bonus na katumbas ng isang buwang basic salary at karagdagang P5,000 cash gift ang mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno kasabay ng kanilang unang sahod ngayong Nobyembre, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).


Inihayag ng DBM na nailabas na ang P82.998 bilyong pondo sa mga ahensya ng pamahalaan para sa nasabing benepisyo ng mga kwalipikadong sibilyan at militar na tauhan.


Iniutos ni Budget Secretary Kim Robert de Leon sa mga ahensya na tiyaking sabay na maibibigay ang year-end bonus at cash gift sa unang payroll ng Nobyembre, sa halip na ipagpaliban o ilabas sa hiwalay na payroll.


Bukod ito sa nauna nang inanunsyong one-time incentive na hanggang P30,000 na maaaring matanggap ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno sa Disyembre.


Gayunman, nakadepende ang nasabing insentibo sa pagtugon ng kani-kanilang ahensya sa mga itinakdang pamantayan ng DBM sa performance at pagtitipid sa gastusin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page