Taas-presyo pa more gas, wala nang pambili ng bigas!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 9, 2021
NAKAKUHA NA NAMAN NG KONTRATA SA DUTERTE GOV'T. ANG PHARMALLY SA PAGBILI NG MGA OVERPRICED NA FACE SHIELDS?--Matapos ipag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi na mandatory ang paggamit ng face shield ng mga taga-Maynila ay binalaan ito ni Presidential spokesman Harry Roque na kesyo labag sa kautusan ni P-Duterte at ng IATF (Inter-Agency Task Force) ang direktiba ng alkalde ay sinundan pa ng statement ni Roque na binabalaan ang lahat ng mayors sa buong bansa na huwag gayahin ang kautusan ng Manila mayor.
Tila nakakuha na naman ng kontrata sa overpriced na face shield ang Pharmally Pharmaceutical na pag-aari ng mga wanted sa Taiwan na may konek kay Yang Hong Ming, alyas Michael Yang, kaya sinasabihan ng spokesman ni P-Duterte ang mga mayor na huwag i-lift ang paggamit ng face shields sa kanilang mamamayan, boom!
◘◘◘
PRO-DUTERTE CONGRESSMEN KAMPI SA PHARMALLY KAHIT NANG-SCAM AT HINDI NAGBABAYAD NG TAMANG TAX SA PAMAHALAAN--Ang mga pro-Duterte congressmen na todo-banat sa ABS-CBN na hindi ito nagbabayad ng tax kahit sinabi na ng BIR (Bureau of Internal Revenue) na wala namang pagkakautang na buwis ang Kapamilya Networks ay dedma lang sa nabulgar na hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan ng mga taga-Pharmally at ang masaklap, kinakampihan pa ang kumpanyang ito.
Dapat sa mga pro-Duterte congressmen ay ibasura ng mga botante sa eleksiyon kasi mantakin n'yo, inalisan ng karapatan ang mamamayan na makapanood ng mga programa at news sa ABS-CBN nang i-reject ang prangkisa nito, tapos ang mga taga-Pharmally na nang-scam na sa kaban ng bayan at hindi pa nagbabayad ng tamang tax ay kinakampihan ng mga mambabatas na kaalyado ng Malacañang, pwe!
◘◘◘
MAYOR SARA KAPAG TUMAKBONG PANGULO, DRAMA LANG PALA NIYA NA NEVER SIYANG SASABAK SA PRESIDENTIAL ELECTION--Sabi ng kaibigan ni Mayor Sara Duterte-Carpio na si Albay Rep. Joey Salceda ay base sa pag-uusap nila ng presidential daughter ay posibleng magbago pa ang pasya nito, at kumandidatong pangulo bago o pagsapit ng Nov. 2021 deadline ng Comelec sa substitution of candidates.
Kapag ginawa 'yan ni Mayor Sara, na itinuloy ang pagtakbong pangulo ay lalabas na drama lang pala niya ang madalas niyang sabihing never siyang tatakbo sa pagka-pangulo ng bansa, boom!
◘◘◘
DAHIL SA PAGTAAS NG PRESYO NG LPG, NABAWASAN PA ANG PAMBILI SA ISANG KILONG BIGAS--Tatlong piso ang naidagdag per kilo sa presyo ng LPG (Liquefied Petroleum Gas), kaya't kung ang laman ng tangke ay 11 kilo, P33 ang nadagdag sa gastos ng mamamayan na gumagamit ng LPG sa pagluluto.
Ang P33 ay pambili na sana ng isang kilong NFA rice.
Ang nais nating ipunto, hirap na nga sa pamumuhay ang mamamayan sa panahon ng pandemya, tapos nabawasan pa sila ng budget pambili sa isang kilong bigas, saklap!





Comments