Taas-pasahe sa eroplano

ni Mervin Reyes @News | October 29, 2026

Photo: File
Inaasahang tataas ang pamasahe sa eroplano matapos itaas sa Level 17 ang allowable fuel surcharge mula Nobyembre 1 hanggang 15.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB), maaaring maningil ang mga airline ng P559 hanggang P1,635 kada pasahero para sa domestic flights at P1,846.10 hanggang P13,726.58 para sa international flights.
Mas mataas ito kumpara sa Level 16, kung saan nasa P525 hanggang P1,535 ang surcharge sa domestic flights at P1,733.76 hanggang P12,891.29 naman sa international flights.
Ipinapataw ang fuel surcharge bilang dagdag sa pamasahe upang makatulong sa pagbawi ng gastos ng mga airline dulot ng pabagu-bagong presyo ng gasolina.





Comments