top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Taas noo pa rin ang Pinay kontra dekalidad na Norway

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 31, 2023



Walang dapat ikahiya ang Philippine Women’s Football Team at uuwi pa rin sila na nakataas ang noo. Inilabas ng Norway ang kanilang kalidad bilang dating kampeon at #12 sa FIFA World Ranking sa komprehensibong 6-0 panalo sa #46 Filipinas sa huling araw ng Group A ng 2023 FIFA Women’s World Cup Linggo sa Eden Park sa Auckland.


Maaga pa lang ay nagtrabaho agad ang Norway na nagbunga ng magkasunod na goal ni Sophie Roman Haug sa ika-anim at ika-17 minuto para maging 2-0. Lumayo ng 3-0 sa ika -31 salamat kay Caroline Graham Hansen at nanatili ito hanggang halftime.


Tuluyang gumuho ang Filipinas sa second half simula sa goal ni Alicia Barker na aksidenteng tumalbog sa kanyang tuhod papasok sa goal ng Norway upang maging 4-0 sa ika-48. Wala pang limang minuto ang lumipas ay pinatawan ng penalty si Jaclyn Sawicki na pinatid si Guro Reiten na nag-resulta ng matagumpay niyang penalty kick sa ika-53 at 5-0.


Hindi pa tapos ang suliranin ng Filipinas at pinalabas si Sofia Harrison bunga ng labis na pagbangga kay Thea Bjelde.


Ito ang unang panalo ng Norway subalit sapat na ito upang tumuloy sa Last 16 simula Agosto 5. Umakyat sila sa apat na puntos at linampasan ang tatlong puntos ng Filipinas at pumantay sa apat na puntos ng co-host New Zealand pero hawak ng Norway ang tiebreaker dahil mas malaki ang pinagsama nilang linamang sa mga kalaro.


Sa pagwakas ng World Cup, tututukan ngayon ng Filipinas ang 2022 Hangzhou Asian Games sa Setyembre at 2024 Paris Olympics Qualifier sa Oktubre. Ito na rin ang magsisilbing simula ng kanilang lakbay patungo sa 2027 World Cup na malalaman pa sa Mayo ng susunod na taon kung saan gaganapin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page