top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

T'Blazers, sinilat ang Lakers, Heat, ginisa ang Utah Jazz

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 8, 2021





Kinuha ng Portland Trail Blazers ang pagkakataon laban sa pilay na bisitang Los Angeles Lakers, 105-90, sa NBA kahapon sa Moda Center. Hindi rin naging maganda ang unang pagbisita ni Carmelo Anthony sa dating koponan at nahirapan ang Lakers sa gitna ng mga pilay kay LeBron James at Anthony Davis.


Pumukol ng anim na tres si Damian Lillard upang pangunahan ang opensa ng Blazers sa

25 puntos. Namayani si sentro Jusuf Nurkic para sa 15 puntos at pumantay ang parehong koponan sa kartadang 5-5 sa Western Conference.


Hinatak pababa ng Miami Heat ang Utah Jazz mula sa liderato ng buong NBA, 118-115, sa bisa ng dalawang walang kabang free throw ni Jimmy Butler na may 10 segundo sa orasan. Nagtapos si Butler na may 27 puntos habang nanguna si Tyler Herro na may 29 puntos habang triple double si Kyle Lowry na 20 puntos, 12 rebound at 10 assist at tabla na ang Heat at Jazz sa 7-2 panalo-talo.


Ipinanalo ng 3-points buzzer beater ni Luka Doncic ang Dallas Mavericks sa bisitang Boston Celtics, 107-104. Nagtapos na may 33 puntos si Doncic at sinuportahan ni Kristaps Porzingis na may 21 pts. na bumalik matapos lumiban sa 5 games dahil masakit ang likod Nanatiling numero uno sa Eastern Conference ang Philadelphia 76ers sa bisa ng 114-105 na tagumpay sa humahabol na Chicago Bulls


Sumakay ang Denver Nuggets sa dalawang magkasunod na tres ni Aaron Gordon at kinailangan ang tapal ni MVP Nikola Jokic sa huling segundo kay Jae’Sean Tate upang takasan ang Houston Rockets, 95-94.


Naglabas din ng tibay ng loob sa huling 13 segundo si beterano Chris Paul at sinigurado ng kanyang tatlong free throws ang panalo ng Phoenix Suns sa bisitang Atlanta Hawks, 121-117.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page