top of page
Imee Marcos - FB.jpg

Systems loss sa kuryente, 'wag ipasa sa konsyumer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 28, 2026



Pangulong Bongbong Marcos / SONA 2026

Photo: SONA 2026 / PBBM / Bongbong Marcos



Iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos na panahon na upang alisin ang system loss na ipinapasa sa mga konsyumer bilang bahagi ng kanilang buwanang bayarin sa kuryente.


“At kung pagbawas ng presyo ang usapan, sa aking palagay panahon na para tanggalin na natin ang system loss na pinapasa sa consumer,” diin ni Marcos.


“Pinapasa ito sa consumer at kinakarga sa bill na pinapatungan pa ng value-added tax. Hindi naman kasalanan ng consumer kung bakit nagkaroon ng system loss.


“Kaya hindi naman tama na kailangan sila pa ang pagbabayarin dito,” punto niya.

Hiniling ni Marcos ang agarang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang ipagbawal ang paniningil ng system loss at ang kaugnay nitong VAT sa mga consumer.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page