System loss sa kuryente, 'wag ipasa sa konsyumer... MVP kay PBBM: Sino'ng magbabayad?
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 30, 2026

Photo: Manny V. Pangilinan at Pangulong Bongbong Marc - FB Circulated - SONA 2026 PCO
Nagpahayag ng pag-aalala ang Meralco sa panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang system loss sa singil sa kuryente ng mga konsyumer, at iginiit na kailangang malinaw kung sino ang sasagot sa naturang gastos.
Ayon kay Meralco Chairman at Chief Executive Officer Manuel V. Pangilinan, nakahanda ang kumpanya na makipagtulungan sa pamahalaan sa planong pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), ngunit binigyang-diin na likas sa transmission ng kuryente ang pagkakaroon ng system losses.
“Inherent in any operation that involves transmission... will involve some losses... The real question is who bears the cost?” ani Pangilinan.
Dagdag pa niya, kung tuluyang aalisin ang system loss charge sa mga konsyumer, maaaring ang mga distribution utility ang mapilitang sumalo sa lahat ng gastos na dulot ng naturang pagkawala ng kuryente sa kanilang network.





Comments