Sylvia, knows mo na? JAKE, HINALIKAN SI RIA, INI-REPOST SA SOCMED
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 5, 2022

Ini-repost ni Jake Ejercito ang ipinost ni Alora Sasam na sweet photo nila ni Ria Atayde.
Sa larawan ay makikitang hinalikan ni Jake si Ria sa cheek nito.
Sa IG stories ni Alora, nilagyan niya ng caption ang sweet photo ng dalawang Kapamilya artists.
Ang pabirong caption ng komedyana: "Halika @ria braids natin bangs mo, haba, eh."
Sina Jake, Ria at Alora ay may pinagsasamahang proyektong ginagawa kaya laging magkakasama ang tatlo.
Sa reposted photo naman ng aktor sa kanyang IG stories, tinawag niyang "My Daria," ang anak ni Sylvia Sanchez.
Tinutudyo ni Alora sina Jake at Ria sa isa't isa dahil pareho naman daw silang loveless.
Pansin naman ng isang netizen, may pagkakahawig si Jake sa brother ni Ria na si Arjo Atayde. At hindi lang daw sa mukha kundi maging sa personality ni Cong. Arjo, may similarity sila, lalo na raw sa pananamit at kilos ng mahusay na aktor.
"Kaya may posibilidad na magka-develop-an ang dalawa."
Well, why not, 'di ba? Good catch naman si Jake at maipagmamalaki ng kahit sinong babae.





Comments