SYLVIA, GUSTONG TULUNGAN ANG MGA BADING AT TIBO
- BULGAR
- Jan 10, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 10, 2023

Ang ganda ng sinabi ni Sylvia Sanchez sa mediacon ng Divine Divas Live: The Ultimate Drag Experience at Becoming Ice na forever na ang friendship nila nina Ice Seguerra at Liza Diño-Seguerra.
“Kung magkakatampuhan man, kailangang magkabati,” aniya na sinang-ayunan ng mag-asawa.
Kaya ang dalawang concerts ay una lang sa maraming partnership ng Fire and Ice Media Productions nina Ice at Liza at Nathan Studios ni Sylvia.
Sinabi rin ni Sylvia ang rason kaya siya naging co-producer ng Divine Divas Live: The Ultimate Drag Experience.
“Pangako ko na ‘pag umangat ako, una kong tutulungan ang LGBT (ngayon ay LGBTQIA+) dahil deserve nila ‘yun. Sa Divine Divas, gusto kong ipakita na hindi sila dapat maliitin, na magaling sila. Kaya ako pumayag na maging co-producer nila, nag-yes ako agad dahil naniniwala ako sa kanila.”
Napanood ni Sylvia ang unang Becoming Ice ni Ice Seguerra and she was blown away.
“Pumalakpak, tumawa at umiyak ako. Parang buong buhay ni Ice ang nasa concert, parang teleserye,” sabi nito.
Ibinalita rin ni Sylvia na next year, marami pang pagsasamahan ang Fire and Ice at Nathan Studios, marami pa silang plano at ang goal nila ay magpasaya lang sa tao.
Nauna nang nagprodyus ng pelikula ang Nathan Studios at tapos na raw ang shooting ng Topakk na tampok sina Sid Lucero, Arjo Atayde at Julia Montes.





Comments