SYLVIA AT ZANJOE, PROUD SA PAGIGING CALENDAR GIRL NI RIA
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 19, 2023

Trending ang pagiging Calendar Girl ngayon ni Ria Atayde ng White Castle Whisky at ang daming positive comments sa sexy pictorial niya.
May blessing ng parents ni Ria na sina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde ang pagiging Calendar Girl niya ng inuming alak.
Sa social media account nga ni Ibyang, very proud niyang ipinost ang mga sexy photos ni Ria at nilagyan ng caption na: “I’m so proud of you, Potpot. White Castle Whisky’s 2023 Calendar Girl.
Love you @Ria."
Sinagot siya ng anak, "Love you, Ma."
Maging ang boyfriend ni Ria na si Zanjoe Marudo ay nakasuporta rin sa kanya.
Maraming nagulat na celebrities sa pasabog na ito ni Ria ngayong 2023. Humanga sila sa stunning beauty nito at lumabas ang kanyang pagka-gorgeous lady.
Halos iisa ang reaksiyon ng mga kapwa celebrities ni Ria sa bagong milestone niya.
Pawang heart at fire emojis ang bumaha sa kanyang socmed account.
Ang tanong tuloy ng mga netizens, "After Calendar Girl, what's next to Ria?"
Uhmmm… 'yan ang aabangan ng marami kung tatanggap na rin ba siya ng sexy roles.





Comments