top of page
SHEET - REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600_FB Ogie Diaz.jpeg

Swiss diplomat, persona non grata sa North Korea

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | November 26, 2026



Pinaaalis sa North Korea ang pinuno ng Swiss diplomatic office sa Pyongyang at binigyan lamang ng 48 oras upang lisanin ang bansa bilang pagganti sa sanctions na ipinataw ng Switzerland sa isang kampo ng mga batang pinatatakbo ng Pyongyang. 

Photo: Swiss envoy Sylvain at Prime Minister Kim Jong Un - File / Circulated - FB



Pinaaalis sa North Korea ang pinuno ng Swiss diplomatic office sa Pyongyang at binigyan lamang ng 48 oras upang lisanin ang bansa bilang pagganti sa sanctions na ipinataw ng Switzerland sa isang kampo ng mga batang pinatatakbo ng Pyongyang. 


Ayon sa North Korean Foreign Ministry, persona non grata si Swiss envoy Sylvain Astier dahil sa umano’y paglabag ng Switzerland sa soberanya at interes ng kanilang bansa. Inatasan din siyang isara ang tanggapan nito sa Pyongyang.


Nasa sanctions list ng Switzerland ang Songdowon International Children’s Camp dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa paglilipat ng mga bata mula sa mga lugar sa Ukraine na okupado ng Russia.


Kinondena ni Kim Yo Jong, kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un, ang hakbang ng Switzerland at sinabing nilalabag nito ang karapatan ng North Korea na bigyan ang mga bata ng pagkakataong makaranas ng kultura at libangan.


Samantala, iginiit ng Switzerland na hiwalay sa pagbubukas muli ng kanilang diplomatic office ang pagpapatupad ng sanctions. Layunin umano ng tanggapan na panatilihin ang mga komunikasyon at dayalogo sa mga bansang may hindi pagkakasundo sa ilang usapin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page