top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sweetness, umalagwa sa Condition Race (24)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2021
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 16, 2021



Nagwagi si Sweetnees sa Condition Race (24) noong Linggo ng hapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Sinakyan ni Lester De Jesus, umoras si Sweetness ng 1:22.4 minuto sa 1,300 meter race sapat upang masikwat ang panalo, sumegunda si Cannon Ball habang tersero at pang-apat sina Spy Glass at Grand Princess.


Samantala, malaking stakes race na naman ang masisilayan ng mga karerista sa Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ang 2021 PHILRACOM Cojuangco Jr.


Memorial Cup" kung saan may 12 tigasing kabayo ang nominado at nagdeklara ng pagsali sa distansyang 2,000 meter race.


Ayon sa mga karerista, magandang laban ang stakes race dahil paniguradong naghanda ng todo ang mga kasali. May P3M guaranteed prize ang karera, kukubrahin ng mananalong kabayo ang P1.8M na premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Posibleng bumenta sa takilya sina Chancetheracer at Righteous Ruby na sasakyan nina Jessie Guce at MM Gonzales ayon sa pagkakasunod.


"Sila Chancetheracer at Righteous Ruby ang napipisil kong pipiliin para sa winner take all ko, pero 50-50 pa rin yan para maka-isang puntos, magagaling din kasi ang mga kasali," saad ni Mark Contreras, veteran karerista.


Ang ibang naghayag ng paglahok ay sina Wish Afan A Star, American Factor, Gomper Girl, Our Tito, Raintree Starlet, Runway, Doc Boy, Full Stream, Tony's Love at In The Zone.


Tatanggap ng P600,000 ang 2nd placers habang tig- P300,000, P150,000, P90,000 at P60,000 sa third, fourth fifth at sixth ayon sa pagkakahilera.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page