top of page

Swak talaga, Jak… BARBIE, HAPI NA PAREHO SILA NG TAKBO NG ISIP NI DAVID

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 24 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 6, 2025



Photo: Barbie Forteza - IG



Ilang months na rin naman ang nakalipas simula nang mag-break sina Jak Roberto at Barbie Forteza, kaya naman inaabangan ngayon ng kanilang mga fans kung mayroon na ba silang bagong pag-ibig.


Ayon kay Barbie, still single pa rin siya pero open naman daw siya sakaling may gustong manligaw.


Sa ngayon ay kapansin-pansin nga na mas naka-focus si Barbie sa self-love, mga adbokasiya at sa kanyang career na pabongga nang pabongga.


Happy ang aktres sa mga dumarating na oportunidad sa kanya, latest of which ay ang pagkakapili sa kanya bilang ambassador ng Save the Children Philippines dahil swak ito sa kanyang advocacy.


“I am blessed with this kind of profession and platform bilang aktor at bilang artista to influence and inspire other people to raise awareness and to join Save the Children Philippines because together we will be able to provide the proper education, safe environment, livelihood, proper guidance for our future leaders and game changers,” wika ni Barbie.


Isa pa ngang ikinatuwa niya ay kasama rin niya sa adbokasiyang ito ang kanyang leading man na si David Licauco.


“Parehas kaming… lalo na s’ya. I mean, ‘yung kanyang mindset towards leadership, iba rin talaga, eh.


“So, feeling ko, parehas lang din kami ng goal at mindset when it comes to giving the children the improved environment and education and knowledge towards everything, about everything in life talaga,” aniya.


Excited na rin nga ang dalaga dahil malapit nang magsimula ang kanyang bagong serye sa GMA-7 na Beauty Empire (BE) kasama sina Kyline Alcantara, Ruffa Gutierrez, Gloria Diaz at marami pang iba.



EMOSYONAL ang cast ng award-winning family sitcom na Pepito Manaloto (PM) nang magbigay ng mensahe para sa 15th anniversary ng show.


Ibinahagi ng GMA Network sa social media ang video ng pasasalamat ng cast.


Kasama riyan ang message ni Bitoy na, “Kung natatawa kayo sa bawat episode, ‘wag n’yo ring kalimutan na may lesson at mensahe po kami na gustong iparating sa mga Pilipino. Sana hindi lang mga bibig natin ang ngumingiti, sana pati ang mga puso natin.”


Sey naman ni Manilyn, “Gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat sa pagpapatuloy sa amin sa inyong mga puso at tahanan. Sinamahan n’yo kami sa pagtawa, pag-iyak, at kahit sa pandemic. Dumating ‘yun lahat at nand’yan pa rin kayo.” 


Kasunod niyan, binaha ng heartwarming comments at mga personal na kuwento mula sa mga avid viewers ang post ng GMA.


Gaya ng hiling ng cast, wish din ng mga fans na marami pang taon nilang makasama ang PM


Ayon sa ilang netizens, “Since elem days! I remember, it’s Sunday night namamlantsa si papa, tapos bukas may pasok. And now, I’m working na and providing for them. Grabe, time flies! Our forever favorite show! Sana forever ‘tong palabas na ‘to!”

Napapanood ang Pepito Manaloto tuwing Sabado, 7:15 PM sa GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page