Suwerteng may libreng publisidad si Pacman sa kasong breach of contract
- BULGAR
- Jun 29, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | June 29, 2021
Diretso na sa pagbaba ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID.
Merry ang Christmas kung gayon!
◘◘◘
DAPAT i-validate nang todo ang datos na isinusumite ng mga ospital at laboratory center.
Marami kasing nagsasabing kinukumbinse ng ilang ospital ang mga kaanak na pasyente na “markahan COVID” ang sakit ng mga biktima.
Ito ay para maka-claim ng benepisyo sa gobyerno at malibre ang hospital bills.
Tameme ang DOH at IATF sa isyung ito.
Bakit?
◘◘◘
HAWAK ng oposisyon ang momentum sa political propaganda.
Nagigiyera sa social media ang mga farm trolls!
◘◘◘
KINASUHAN si Sen. Manny Pacquiao ng “breach of contract.
Dagdag-publisidad ‘yan sa susunod niyang laban!
◘◘◘
AKTUWAL nang nahahati ang PDP-Laban.
Panibagong problema ng anak ni Nanay Dionesia!
◘◘◘
HIGIT nang 10 milyon doses ang naituturok na COVID vaccines.
10 porsiyento ‘yan ng populasyon!
◘◘◘
HALOS 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas.
Higit sa kalahati nito ay ayaw magpabakuna kontra COVID.
Ibig sabihin, 50 milyon lang talaga ang kailangang COVID vaccine.
Ibig sabihin, 20 percent na ang nababakunahan!
◘◘◘
ALAM ba ninyo na ang natitirang 50 milyon na nais magpabakuna ay nakakalat sa buong Pilipinas?
Ibig sabihin, halos kalahati lang ng 50 milyon ay nasa mga siyudad kabilang ang Metro Manila!
◘◘◘
SA aktuwal, 25 milyon lang talaga ang magkukusang magpabakuna nang mabilisan dahil ang karaniwan ay nasa malalayong lalawigan.
Sa 25 milyon, kailangan dito ay 50 million doses dahil double dose ang rekisitos.
May naiturok nang 10 milyon, 40 milyon na lamang talaga!
◘◘◘
SAKALING magkaroon ng herd immunity sa Metro Manila, ang talagang agarang pangangailangan ay hindi aabot sa 20 milyon doses.
Malinaw kung gayun, na maluwag na ang papapabakuna sa Oktubre at Nobyembre!
◘◘◘
ANG sitwasyong ‘yan ay mararamdaman sa Agosto kung saan, marami nang available COVID vaccine—pero atubili ang mga tao na magpunta sa vaccination center.
Sa ganyang porma, kailangang mag-house to house o barangay-barangay upang maiturok ang mga bakuna na in-order sa ibang bansa!
◘◘◘
DARAGSA ang bakuna sa Pilipinas dahil matatapos na ang vaccination sa malalaking bansa.
Bukod d’yan, expired ang ilang nailabas nang bakuna.
Kailangan maiturok ang “experimental vaccine” bago ilabas ang bagong “formula” ng bakuna sa 2022!
◘◘◘
KAILANGAN magtimpla ng bagong formula upang tumalab ito sa mga bagong singaw na variant o strain.
At ang mga bakuna sa 2022 — ay siya nang “commercial grade” at hindi na ito experimental tulad sa ginagamit ngayon!
◘◘◘
INAASAHANG ibebenta na ang mga bakuna sa 2022 at hindi na ito ililibre.
Papasok na riyan ang mga commercial vaccine.
Tatabo na ulit ng salapi ang mga pharmaceutical companies!
◘◘◘
NAKAPAGTATAKANG hindi tumutulong ang Philippine National Red Cross sa mass vaccination.
Wala kasing “cash involve”?





Comments