top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SUV sa madir… IVANA, P1.6 M NA KOTSE ANG REGALO KAY MONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 9, 2023


Balik-Coco Martin Production ang sexy star na si Ivana Alawi sa Kapamilya action series na Batang Quiapo. Ipinapakita na ang ilang mga eksena nito sa nasabing serye with Coco.


Prior to this, naisulat na natin na si Ivana ang “bagong” leading lady ni Coco sa Batang Quiapo since nagpakasal na ang screen partner ng aktor sa serye na si Lovi Poe sa UK at hinuhulaan ng mga netizens na ru’n na rin siya titira with her husband na si Monty Blencowe.


Pero nasilip namin ang Instagram ni Lovi kahapon and she posted sa kanyang Instagram ang photo niya sa labas ng isang ariport dito sa Pilipinas. Meaning, bumalik na si Lovi sa bansa.


Caption ni Lovi: “Cheers to life + work balance, kayang i-achieve... puyat ka nga lang.



Nangangahulugan kaya ito na balik-taping na rin si Lovi para sa Batang Quiapo? Malamang, dahil nakita ko na nag-comment ng tatlong heart eye emojis ang manager ni Coco na si Biboy Arboleda sa IG post ni Lovi.


Ibig sabihin, ‘di tuluyang mawawala si Lovi sa Batang Quiapo. Bagkus, magkakaroon ng love triangle sa kanila, Lovi-Coco-Ivana. Aba, mas interesting at kumapal ang love story nina Mokang at Tanggol, ‘di ba?


Bukod pa siyempre sa love triangle ni Lovi with Christopher de Leon and Coco. Pero teka, bakit wala yatang post si Lovi with her hubby na kasamang pumunta ng Pilipinas?


Mag-isa lang ba si Lovi na bumalik? Oh, baka naman, ‘di lang nag-post si Lovi ng picture nila ni Monty na magkasamang bumalik ng Pilipinas?


Puwede rin naman na bumalik mag-isa sa bansa si Lovi dahil sa kanyang commitment sa Batang Quiapo na naiintindihan for sure ng mister niya na isa ring filmmaker. At malamang, susunod din agad si Monty kay Lovi dito.


‘Kalokah naman kasi ‘yung kakakasal lang, hiwalay agad sila, ‘di ba?


Anyway, going back kay Ivana. Napaka-generous talaga niya pagdating sa kanyang pamilya.


During pandemic, niregaluhan niya ang kanyang ina ng isang mamahaling SUV.


This time, bagong kotse rin ang regalo ni Ivana para sa kanyang youngest sister na si Mona Alawi worth P1.6M.


Paliwanag ni Ivana sa kanyang vlog sa YouTube, “Gustung-gusto niya ‘yun, ipon daw siya.


Naisip ko, bilhin na lang natin, tapos, ibigay natin. Kasi sobrang deserved niya. She’s studying hard. Nilalampasan niya ‘yung sakit niya. And she’s fighting hard.”


Sana all my “ate” gaya ni Ivana.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page