top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Susubukin ng Timor Leste ang PHL sa AFF Under-23

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 14, 2022





Babalik aksyon ang PHL Under-23 Football National Team laban sa Timor Leste sa 2022 AFF Under-23 Championship Cambodia na magsisimula ngayong Lunes laban sa Morodok Techno National Stadium ng Phnom Penh ng 5 p.m. (oras sa Pilipinas).


Inilabas na ng Philippine Football Federation (PFF) ang listahan ng 26 kabataan.


Kalahati ng koponan ay mga beterano ng qualifier para sa AFC U-23 Asian Cup Uzbekistan noong Oktubre sa Singapore na sina kapitan Oliver Bias at kapwa-midfielder Dennis Chung, Kieran Hayes, Oskari Kekkonen, Jacob Maniti, Sandro Reyes at Nathan Rilloraza. Ang iba pang nagbabalik ay sina forward Ivan Ouano, mga defender Miguel Mendoza at David Setters at mga goalkeeper Quincy Kammeraad, Enrico Mangaoang at Jessie Semblate.


Ang iba pa na gagabayan ni Coach Stewart Hall ay pinaghalong players ng Phl. Football League (PFL), UAAP at naglalaro sa ibang bansa. Sila ay mga defender Gyles Encabo, Pete Forrosuelo, Jayvee Kallukaran, Jacob Liao at Jaime Rosquillo, mga midfielder Pocholo Bugas, Lance Ocampo, Antoine Ortega, Jacob Pena, JR Suba at Scott Woods at mga forward Andres Aldeguer at Griffin McDaniel na kapatid nina Chandler at Olivia ng Women’s National Team.


Mapait na natalo sa Timor Leste sa Asian Cup qualifiers noon at nag-iisa lang ang goal ni Zenivio sa tatlong laro. Susunod nilang haharapin ang host Cambodia sa Pebrero 17 at Brunei sa Pebrero 20. Ang tatlong una sa bawat grupo at ang may pinakamataas na kartada ay tutuloy sa semis sa Peb. 24 at ang finals ay sa Pebrero 26.


Nasa Grupo B ang Malaysia, Myanmar at Laos habang ang Grupo C ay Vietnam, Thailand at Singapore. Umatras ang defending champion Indonesia noong Huwebes dahil sa dami ng pilay at kaso ng COVID-19 sa koponan.


Samantala, umangat ng isang baytang ang Pilipinas sa #129 mula sa #128 sa pinakabagong FIFA Men’s Ranking. Pangatlo ang Azkals sa Timog Silangang Asya sa likod ng #98 Vietnam at #112 Thailand at #23 sa buong Asya na Top Three ang #21 Iran, #23 Japan at #29 Timog Korea. Laro ngayong Lunes – Morodok Techno National Stadium, Phnom Penh 5:00 PM Timor Leste vs. Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page