top of page
Search
BULGAR

Sustento sa anak na ‘di kinikilala ng ama

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 25, 2023


Dear Chief Acosta,


Bago pa isilang ang aking anak, naghiwalay na kami ng aking dating nobyo. Mula noon, naputol na ang aming komunikasyon at wala na kong naging balita sa kanya.


Makalipas ang tatlong taon, napag-alaman kong kababalik lang niya ng bansa at nakatira sa dating tinitirhan ng kanyang mga magulang. Dahil sa lumalaking gastos, naglakas-loob akong makipag-usap muli sa kanya para mag-demand ng sustento para sa aming anak ngunit itinanggi niya na anak niya ang aming anak. Wala na bang pag-asang maobliga ko siya na magbigay ng sustento? - Weng


Dear Weng,


Ayon sa kasong Richelle P. Abella, For and in Behalf of Her Minor Daughter, Marl Jhorylle Abella, vs. Policarpio Cabañero, G.R. No. 206647, 09 August 2017, sa panulat ni Honorable Senior Associate Justice Marvic Mario Victor F. Leonen, upang maging karapat-dapat sa legal na suporta, dapat maipakita o mapatunayan ang filiation o relasyon sa pagitan ng bata at ng kanyang ama sa tamang aksyon sa korte, kung ito ay hindi tinatanggap o kinikilala ng pinaniniwalaang ama:


“Filiation must be established for a child to claim support from a putative father. When “filiation is beyond question, support follows as [a] matter of obligation.” To establish filiation, an action for compulsory recognition may be filed against the putative father ahead of an action for support. In the alternative, an action for support may be directly filed, where the matter of filiation shall be integrated and resolved.


Dolina v. Vallecera clarified that since an action for compulsory recognition may be filed ahead of an action for support, the direct filing of an action for support, “where the issue of compulsory recognition may be integrated and resolved,” is an equally valid alternative:


To be entitled to legal support, petitioner must, in proper action, first establish the filiation of the child, if the same is not admitted or acknowledged.


Dolina’s remedy is to file for the benefit of her child an action against Vallecera for compulsory recognition in order to establish filiation and then demand support. Alternatively, she may directly file an action for support, where the issue of compulsory recognition may be integrated and resolved.”


Alinsunod sa talakayan sa nasabing kaso, ang filiation ay dapat maipakita para ang isang bata ay makahingi ng suporta mula sa kanyang pinaniniwalaang ama. Kapag napatunayan na ang filiation, susunod ang suporta bilang isang obligasyon. Kaya naman, maaari kang magsampa ng aksyon para sa compulsory recognition laban sa sinasabing ama ng iyong anak, bago ang aksyon para sa suporta. Kung iyong nanaisin, maaari ka ring magsampa ng direktang aksyon para sa suporta, kung saan ang usapin ng filiation ay isasama at lulutasin na rin. Alinman sa dalawang nabanggit na aksyon ay maaari mong gawin upang maobliga ang ama ng iyong anak na magbigay ng kaukulang suporta.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page