Sustento ng ama sa ibang bansa sa menor-de-edad na anak sa ‘Pinas
- BULGAR
- Jul 19, 2022
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 19, 2022
Dear Chief Acosta,
Ako ay Pilipino na permanenteng nakatira sa ibang bansa. Ako ay may menor-de-edad na anak na nasa Pilipinas at ang aking asawa ay nanghihingi ng sustento para sa kanya. Mayroon pa ba akong obligasyon na magbigay ng sustento kahit hindi na ako nakatira sa Pilipinas? - Jael
Dear Jael,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Article 15 ng Republic Act No. 386 o mas kilala sa tawag na “The New Civil Code of the Philippines”, kung saan nakasaad na:
Art. 15. Laws relating to family rights and duties, or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines, even though living abroad. (Binigyang-diin)
Batay sa nabanggit na batas, ang mga batas ng Pilipinas na may kaugnayan sa mga karapatan at obligasyon pampamilya, tulad ng pagbibigay ng supporta, sakop ang mga Pilipino kahit na sila ay naninirahan sa ibang bansa.
Kaugnay nito, ang mga taong may obligasyon na suportahan ang isa’t isa ay nakasaad sa Article 195 ng Family Code of the Philippines:
“Article 195. Subject to the provisions of the succeeding articles, the following are obliged to support each other to the whole extent set forth in the preceding article:
The spouses;
Legitimate Parents and their illegitimate children ascendants and descendants;
Parents and their legitimate children and legitimate and illegitimate children of the latter;
and legitimate and illegitimate children of the latter;
Legitimate brothers and sisters, whether of the full or half blood.” (Binigyang-diin)
Samakatuwid, mayroon ka pa ring obligasyon na magbigay ng sustento para sa iyong menor-de-edad na anak kahit na ikaw ay permanenteng nakatira na sa ibang bansa alinsunod sa mga nabanggit na probisyon ng batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Dear Chief Acosta,
9 year ng hiwalay po ang parents ko, pareho pong may trabaho ngayon. Ang aking ama ay nasa ibang bansa at ang aking ina naman ay nandito sa Pilipinas, ang concern ko lang po is, paano po kung 5k monthly na lang ang naipapadala ng aking ama dahil sa kagipitan nya din sa ibang bansa lalo na at nagmemaintenance at regular checkup sya sa doctor doon dahil sa mga karamdaman nya. Citizen po sya sa ibang bansa and monthly dn po ang bayad nya sa bahay at benefits nya doon. Noon po ay 10k to 12k ang naipapadala nya monthly. This year 2022 lang po sya naging 5k dahil nga po sa nagkaroon sya ng karamdam…